Bossing sa walang-awang bashers ni Tali: Bahala na sa kanila si Lord…

INIINTINDI na lang ni Vic Sotto ang mga taong walang ginawa kundi ang laitin at okrayin ang anak nila ni Pauleen Luna na si Tali.

Isa ang anak nina Bossing at Poleng sa mga celebrity kids na nagbibigay-saya araw-araw sa “Eat Bulaga.” Game na game rin kasi ang bata sa pakikipagkulitan sa mga Dabarkads.

Kaya naman nakakalungkot at nakakagigil na may mga tao pa ring walang kunsensiya ang nambu-bully kay Tali sa social media.

Kung matatandaan, sinupalpal ni Pauleen ang isang netizen na nanglait sa anak nila ni Bossing dahil kadema-demanda na ang ginawa nitong pambabastos sa bata.

Pero para kay Vic, hinahayaan na lamang niya ang mga bashers ni Tali dahil ang mahalaga sa kanya ay mas marami pa ring napapasaya ang kanyang anak sa paglabas nito sa Eat Bulaga at sa ipino-post ni Pauleen na mga video at litrato ng anak.

“Ang importante naman, higit na nakararami ‘yung napapasaya ni Tali. Napapa-smile niya sa araw-araw sa tuwing magpo-post ang kanyang nanay,” pahayag ng veteran TV host-comedian sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” last Sunday.

“Tapos ‘yung mga ilan na hindi natutuwa, hindi ko na lang pinapansin ‘yon. Pinagpapasa-Diyos ko na lang ‘yon.

“I try to understand these people dahil malay natin baka may pinagdadaanan o may problema lang sa buhay, mainit ang ulo niya at the time. Iniintindi ko na lang ‘yon.

“Mas importante, mas nakararami ‘yung good comments,” paliwanag pa ni Bossing.

Nagpaalala rin si Vic sa lahat na maging responsable sa paggamit ng social media, “One of the risks, disadvantage lalo na sa social media ngayon, mayroon din talaga tayong mga kababayan ngayon na iresponsable sa paggamit ng social media.

“Hindi naman natin mako-correct ang mga ugali nila. Bahala na sila. Kanya-kanya namang opinyon ‘yan. Nasa demokrasya tayo pero let’s be responsible sa ating mga post, sa ating mga comment,” aniya pa.

Read more...