KINAMPIHAN ni Vice Ganda ang Kapamilya singer na si Janine Berdin matapos ma-bash sa ginawa nitong pagpaparetoke.
Kung may mga bumati at humanga sa bagong look ng “Tawag Ng Tanghalan” champion may mga nagsabi ring hindi tama ang kanyang ginawa.
Nakachikahan ni Vice ang dalaga sa online show niyang “Gabing-Gabi Na Vice,” nitong weekend at dito nga ipinagtanggol ng TV host-comedian ang pagpaparetoke ni Janine ng ilong.
Ani Janine nagdesisyon siyang magpa-enhance ng ilong dahil, “Sobra pong nai-insecure. Lalo na po dito sa industry natin. Parang ‘yung pressure po, ‘yung mga sinasabi ng mga tao.
“Kahit na ‘yung advice po ng marami ay, ‘Wag mo nang pakinggan kasi singer ka naman, ‘yung tutukan naman talaga ‘yung voice mo.’ Pero naaapektuhan po talaga ko,” lahad ng singer.
“‘Yung biggest insecurity ko po kasi ‘yung nose ko. So ‘yun po ‘yung pina-enhance ko. ‘Yung nose ko lang po,” aniya pa.
Aminado si Janine na naaapektuhan din siya sa pambabatikos sa kanya pero hindi raw ito dahilan para pagsisihan ang ginawa, “Sobrang happy na po talaga ko sa self ko ngayon.
“And wala, ‘yun lang po talaga ‘yung feeling ko ngayon. Ang happy happy ko the past few weeks lalo na po sa love na pinapakita ng mga tao. Nakaka-happy po. Sobra,” saad pa niya.
Ito naman ang mensahe sa kanya ni Vice, “Alam mo, maraming magsasabi na ‘Mali si Janine Berdin. She should have felt happy about herself.
“Dapat tanggap niya ‘yung sarili niya. Dapat na-aappreciate niya ‘yung sarili niya. Kasi ‘yung laging linya na ‘Yan ‘yung binigay sa’yo ng Diyos eh, ba’t binabago mo?’ Makakarinig ka ng mga ganu’n,” pahayag pa ng TV host-comedian.
Diin pa niya, “Pero ako naman, hindi natin masisisi si Janine. Ang sinasabi ko lang is, para sa akin, walang masama sa ginagawa mo. Kasi ‘yung katawan mo gift ‘yan.
“Pero, di ba lahat naman tayo ‘yung regalo natin may kanya-kanya tayong choice kung paano natin babalutin ‘yung regalo? ‘Di ba ‘yung iba nilalagyan ng ribbon para mas maganda? ‘Yung iba bibiili ka ng mamahaling wrap para mas maganda.
“Ako ginawa ko rin ‘yan sa sarili ko eh. Nagpagawa ko ng mata, nagpagawa ako ng pisngi, ng baba, di ba? So choice natin kung paano natin ira-wrap ang mga sarili natin.
“Pero ang malinaw sa atin, ang pinakamalaking regalo natin, hindi naman ‘yung mukha kundi ang nasa loob. ‘Yung totoong regalo, ‘yung puso natin,” ani Vice na sinang-ayunan naman ni Janine.