Sandara milyonarya na rin sa YouTube, nag-thank you sa Pinoy fans

ILANG araw matapos mag-viral ang pagbisita ni Sandara Park sa isang Pinoy market sa South Korea, umabot na sa 1 million ang subscribers niya sa YouTube.

Ibinandera ng Korean singer-actress sa buong mundo ang isa na namang milestone sa kanyang showbiz career.

Ipinost ni Dara sa kanyang social media accounts ang good news na ang kanyang YT channel na “Dara TV” ay may 1 million subscribers na.

Kaya naman todo ang pasasalamat ng dalaga sa lahat ng mga tagasuporta niya mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at siyempre may special shoutout pa siya para sa kanyang Pinoy fans.

“Happy 1M subscribers #DaraTV. Thank you so much everyone!!! Maraming salamat sa inyong lahat!!!  #다라티비 #축100만 #DaraTV1Million,” ang mensahe ni Sandara na isa na ring certifief Gold Play Button YouTuber.

Bumuhos naman ang pagbati kay Dara ng kanyang Pinoy fans. Narito ang ilang comments ng netizens.

“Your DaraTV episodes are always extremely entertaining! Congratulations.”

“Congratulations for reaching 1M subs! You know that we’re always here for you. I hope you’re doing great today and maybe celebrate it with your loved ones. We love you so much.”

“Deserving. More videos and more bonding moments with your Pinoy fans in Korea.”

Taong 2017 nang i-launch ni Sandy ang kanyang YouTube channel kung saan nakasaad sa “About” section nito ang kanyang mission and vision bilang YouTuber.

“DARA TV is Sandara Park’s private YouTube channel where she shares her activities and adventures through self-video which you couldn’t see on screen before. This is Dara’s way to communicate with her fans more closely,” paglalarawan sa kanyang YT account.

Isa sa most watched vlog ni Dara ay ang pagpunta niya sa isang Filipino marketplace sa Korea recently kung saan muli siyang kumain ng mga favorite niyang classic Pinoy dishes.

“Right now I am headed to a Philippine market. The very place I only heard about. I’m going there with producer Shin.

“Let’s see if people there will recognize me. Because occasionally those who live abroad when they were younger and didn’t have access to Philippines TV programs don’t know me,” aniya habang patungo nga sa nasabing Pinoy store.

Habang sinusulat namin ito, may mahigit 1 million views na ang nasabing video.

Unang nakilala si Sandara nang sumali siya sa reality talent search ng ABS-CBN na “Star Circle Quest” kung saan nabuo ang loveteam nila ni Hero Angeles.

Bumalik siya sa Korea noong 2017 at naging member nga ng K-Pop group na 2NE1 under YG Entertainment.

Read more...