Hindi muli lalagpas sa 2,000 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado (October 10), umabot na sa 336,926 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 54,594 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,249 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Umaabot sa 85.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild, 10 porsyento ang asymptomatic, 1.3 porsyento ang severe, habang 2.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 87 ang napaulat na nasawi kung kaya’t umakyat na sa 6,238 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 842 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 276,094 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.