Ika-7 panalo pakay ng Bulldogs sa UAAP | Bandera

Ika-7 panalo pakay ng Bulldogs sa UAAP

Mike Lee - August 24, 2013 - 03:17 PM

Ika-7 panalo pakay ng Bulldogs sa UAAP
Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m.  La Salle vs UP
4 p.m.  UST vs NU
Team Standings: FEU (7-2); NU (6-3); UE
(5-3); La Salle (5-4); UST (4-4); Ateneo (4-4); Adamson (3-6); UP (0-8)

PUNTIRYA ng National University ang masungkit ang ikapitong panalo nito sa 10 laro at makadikit sa nangungunang Far Eastern University sa pagpapatuloy ng 76th UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Makakasagupa ng NU Bulldogs ngayon ang University of Santo Tomas Growling Tigers alas-4 ng hapon pagkatapos ng sagupaan sa pagitan ng De La Salle Green Archers at ang wala pang panalong University of the Philippines Fighting Maroons.

Mataas ang morale ng Bulldogs ngayon dahil papasok sila sa laro bitbit ang tatlong sunod na panalo na kinatampukan ng mga tagumpay kontra FEU at Adamson sa unang dalawang laro sa second round.

“Every game is important for us and we have to play with a sense of urgency,” wika ni NU coach Eric Altamirano. Mahalaga ang bawat larong mapapanalunan dahil pitong koponan ang palaban para sa apat na aabante sa Final Four.

Ang La Salle ay magpapatatag pa sa ikaapat na puwesto sa pagharap sa walang panalong UP sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.

May dalawang sunod na panalo ang Archers sa pagbubukas ng second round at tiyak na nasa kondisyon ang koponan na iiwas na maging kauna-unahang biktima ng Maroons.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending