Kasalang KZ Tandingan, TJ Monterde walang nakadalong pamilya

Mula sa Instagram ni KZ Tandingan

Late-post na pala sa social media ang wedding photos nina KZ Tandingan at TJ Monterde.

Ikinasal ang celebrity couple noon pang Agosto 28, tulad sa naunang plano nilang pagpapakasal ngayong taon, kesehodang may Covid-19 pandemic.

Hindi nakadalo ang mga pamilya. both sides, for safety reasons base na rin sa kuwento ni KZ sa kanyang Instagram. Bukod pa dito ay walang biyahe na manggagaling pa ng Davao.

Beinte katao lang ang dumalo sa kanilang kasal na ginanap sa The Farm, sa San Benito, Lipa, Batangas.

Tulad nga ng sinabi ni KZ, ang naghatid sa kanya sa altar ay si Martin Nievera dahil wala rito ang kanyang mga magulang.

Bukod tanging ang manager niyang si Erickson Raymundo from Cornerstone Entertainment ang dumalo dahil ninong nila.

Gumawa ng music video sina KZ at TJ na “Can’t Wait to Say I Do” na ang kuwento ay revelation ng kasal nila.  Ang proceeds nito ay para pampagawa ng church nila.

Sa tanong namin kung bakit under the 300 years mango tree ang napili nilang lugar na pagdausan ng kanilang very intimate at “quarantine” wedding, “very iconic daw kasi,” sabi ng taga-Cornerstone.

Anyway, kung sakaling wala ng pandemic ay sa January 28 ang church wedding nina KZ at TJ at dito ay kumpleto na ang kanilang buong pamilya at mga kaibigan.

“Ang January 28 talaga ang anibersaryo nila bilang magkasintahan kaya memorable sa kanila ang 28,”say ng handler ni KZ na si Caress Caballero.

Tinanong din namin kung magkasama na sa iisang bahay sina KZ at TJ bago pa ikasal.

“Hindi po, kaya nga hirap kasi lockdown kaya naisip nila na ituloy na rin kahit pandemic at least kung magkasama sila, kasal naman na sila,” kuwento pa sa amin.

Read more...