Neri Naig, bagsak sa dami ng trabaho. Chito todo alaga sa asawa

Screengrab sa Instagram ni Chito Miranda

“Bagsak.”

Ganito ang deskripsyon ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda sa kanyang asawang si Neri Naig.

Sa kanyang Instagram post noong Biyernes, sinabi ni Chito na walang tigil sa pagtatrabaho si Neri sa nakaraang dalawang araw.

“Tuluy-tuloy na meetings, deadlines, live stream events, talks and demos, online classes, at yung recent launch ng kanyang bagong online shopping site,” ani Chito.

“This, on top of being a mom, and running several businesses,” dagdag pa niya.

Isinilang ni  Neri noong Nobyembre 2016 ang kanilang unang anak na lalaki ni Chito, si Miggy.

Nitong Huwebes lamang, ipinagmamalaki pa ni Chito na nakabili si Neri ng 6,000 square meters na lupa at isang condo unit.

“And recently, nakabenta sya ng 15 na lupa in less than a week…by utilizing her #teamwais network of resellers and distributors by making them referral agents for a licensed real estate company,” wika pa ni Chito.

“Katas yan ng tuyo at kape…at ng suka, at ng beddings, at ng affordable na alahas, pajama, and soon, her own online shop,” dagdag niya.

Pero sinabi rin ni Chito na parati niyang pinaaalalahanan ang asawa na huwag aabusuhin ang sarili.

“Palagi ko syang nireremind na magpahinga’t kumain. Palagi kong syang sinasabihan na ang dami mo ngang pera, naaabuso mo naman ang katawan mo,” wika pa niya. “She assured me na ok lang sya.”

“Nagkasabay-sabay lang daw talaga ngayon, and parang taping lang naman daw yung puyatan, pero, with what she’s doing now, at least nasa bahay lang daw sya kasama namin ni Miggy, getting paid much, much better than she ever was, compared to when she was still an actress,” kwento pa ni Chito.

At syempre, ang ever sweet na husband ay todo alaga kay Neri.

“I try my best to lessen her load by helping her with everything that I can help her with. I make her coffee. I’d fill her bottle with water. I’d play with Miggy more to give her more time for herself. Basta lahat ng pwede kong gawin, ginagawa ko…para mabawasan yung mga kelangan nyang intindihin, at makatutok sya sa mga kelangan nyang gawin,” ani Chito.

“Kanina, pagkatapos ng online cooking demo nya for Nestle, habang kinakain namin yung niluto nya, she checked her phone and happily said, ‘mukhang makakapag pahinga ako tonight,'” dagdag pa niya.

“Kaya eto…bagsak.”

Read more...