Anim hanggang sa pito sa bawat 10 botante ang nagsabing iboboto nila si Senator Juan Miguel Zubiri kung isasagawa ngayon ang national election.
Nasungkit ni Zubiri (60.9%) ang Top 1 sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia survey na isinagawa noong nakaraang Setyembre 14 hanggang 20.
Labis na ikinatuwa ng kasalukuyang Senate majority leader ang resulta ng survey ngunit may kababaang-loob niyang sinabi,” I’m completely surprised and shocked to see that I topped Pulse Asia’s list of 2022 senatorial preferences, but I am deeply honored.”
Dagdag pa nito, “this is truly gratifying, and I sincerely thank the people for their trust and confidence in me. I am motivated to continue working hard as your trabahador ng Senado. Once again maraming maraming salamat po sa inyong lahat.”
Sinundan naman siya nina, Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos (55.4%), Alan Peter Cayetano (54%), Sara Duterte (52.7%), at Francis Escudero (49.2%).
Pang-anim si Panfilo Lacson (46.8%) kasunod sina Loren Legarda (41.4%), Sherwin Gatchalian (40.9%), JV Ejercito (32.3%), Risa Hontiveros (31.9%), Bam Aquino (30.8%) at Gringo Honasan (29.3%).
Sa nagkakaisang opinyon ng mga political analysts, napansin ng mga respondents ang patuloy na pagta-trabaho ni Zubiri sa kabila nang pagkakasakit niya ng COVID 19.
Gayundin ang kanyang pagpapahayag ng matinding pagkadismaya sa mga nabunyag na katiwalian sa Philhealth at pagsusulong ng mga panukala para sa kapakanan ng mga kabataan.