KZ Tandingan TJ Monterde ikinasal sa ilalim ng puno; pumayag sa virtual wedding

HINDI napigilan ng COVID-19 pandemic ang virtual garden wedding nina KZ Tandingan at TJ Monterde.

Walang ibinigay na eksaktong petsa ang bagong kasal pero kung ang pagbabasehan ay ang latest music video (Can’t Wait To Say I Do) sa YouTube channel ni KZ, Aug. 20, 2020 naganap ang wedding sa The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas.

Siniguro naman ng mga taong involved sa preparasyon ng kasal na lahat ng dumalo ay dumaan sa proper health and safety protocols at talagang bilang lang ang mga taong nasa venue.

Nag-post si KZ sa kanyang Instagram account ng ilang wedding pictures nila ni TJ na may mahabang caption.

Dito sinabi niya na wala ang parents niya sa napakaespesyal na pangyayari sa buhay niya. Buti na lang daw nandoon ang mentor niyang si Martin Nievera para ihatid siya sa altar.

“God finally made our ‘Puhon’ a reality. With only a handful of people and our families attending through Zoom, we held our symbolic wedding under a 300 hundred-year-old Mango tree.

“We didn’t think we could get married this year because our families are in Mindanao and couldn’t fly in. But our folks being the selfless, understanding, and amazing parents they are, encouraged us to get wed.

“Bittersweet getting married without my parents walking me down the aisle, but I’m thankful that my other dad, @martinnievera, stepped in to give me away.

“Thankful for friends who went out of their way to do multiple testings, isolation, and travel to be with us on our special day.

“Thankful for all these hard-working people who made sure our intimate dream wedding went smooth and, most importantly, safe,” mensahe ng Kapamilya singer.

Ilang taong malalapit kay KZ ang nag-post din ng mga litrato nila ni TJ sa social media kasabay ng kanilang pagbati sa bagong kasal gamit ang hashtag na #MrMRsTJxKZ.

Sa IG post naman ng stylist ni KZ na si Myrrh Lao To na isa sa mga present sa venue, nakasulat ang “MARRIED” na sina KZ at TJ. Nakalagay din sa caption ang link sa YouTube video ni KZ.

Sa nasabing video nakasulat ang, “Safety is our main priority; hence we chose a venue that provides a COVID-free environment.

“Everyone involved underwent a series of COVID-19 testings and were cleared before entry as we complied responsibly with all the strict guidelines.”

Read more...