Diana Zubiri isinilang na ang ika-3 anak; nahirapan sa ‘quarantine pregnancy’

NANGANAK na ang dating sexy actress na si Diana Zubiri sa ikalawa nilang anak ng model-actor na si Andy Smith.

Marami ang hindi nakakaalam na dumaan sa “quarantine pregnancy” si Diana dahil talagang hindi nila ito ibinandera sa publiko.

Sa pamamagitan ng isang vlog, ibinalita ng celebrity couple na isinalang na ang second baby nila na pinangalanan nilang Amira Jade Smith.

Mapapanood sa 15-minute video clip ang naging pregnancy journey ni Diana sa gitna ng pandemya kabilang na riyan ang eksena sa kanyang pregnancy test hanggang sa isilang na niya si Baby Amira.

“To answer all of your questions kung bakit matagal na akong hindi nagpopost on my YouTube channel, here’s a quick life update!” ang caption ni Diana sa kanyang YouTube video.

“I hope this video gives you a good idea of how I’ve been and what I’ve been doing with my family this quarantine,” aniya pa.

Sa nasabi ring video, ikinuwento ng asawa ng aktres na nanghinayang siya dahil hindi niya nasaksihan ang panganganak ni Diana.

“So, due to the whole COVID situation, I wasn’t able to be there to see our baby born because when Diana comes back, she needs to do two weeks of quarantine here in the house,” sabi ni Andy.

“With Aliyah and King, we decided it was best that I stay with the kids for the two weeks while Diana stays with the baby,” aniya pa na ang tinutukoy ay ang dalawa pa nilang anak.

Si King ay anak ng aktres sa una niyang yumaong asawa na si Alex Lopez habang si Aliyah ay ang panganay nila ni Andi.

Ipinakita pa ni Andy sa publiko ang first photo nina Amira at Diana sabay sabing, “I am emotional because I wasn’t emotional the first time with Aliyah, ’cause I was more shocked.

“You know if you only saw how hard it was for her for the last months, especially last week.

“I hardly got any sleep kasi she woke up super early because she was getting contractions. I thought about getting a nap, but I couldn’t because I was thinking about her.

“I’m super happy. Thankfully, she’s healthy,” pahayag pa ng asawa ni Diana.

Inamin naman ng aktres na talagang nahirapan siya sa kanyang pagbubintis at triple ang ginawa nilang pag-iingat para siguruhing healthy ang baby sa kanyang sinapupunan.

Read more...