SUNUD-SUNOD na nagpositibo sa COVID-19 ang mga magulang at kapatid ng Kapuso singer-actor na si Kristoffer Martin.
Ibinahagi ng binata ang malungkot na balita sa kanyang Instagram account kasabay ng pagpapasalamat kina Alden Richards, Bea Binene at sa girlfriend niyang si AC Banzon.
Ito ang ibinahagi ng Kapuso actor upang magbigay ng update tungkol sa kanilang pinagdaanan at upang magpasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya.
Ayon kay Kristoffer, ngayong Huwebes, Oct. 8 ang ika-14 araw mula nang lumabas ang swab test ng kanyang pamilya at naniniwala siya na tuluyan nang gagaling ang kanyang pamilya.
“Claiming it already, ‘MY THREE SURVIVORS!’” ang simulang caption ng Kapuso star sa litrato ng mga magulang at kapatid.
“PAGALING na po sila. Malakas tayo talaga kay Lord. Ang lala ng prayers ko simula nung lumabas unang result kay mama tapos sumunod si Tan at dad.
(Wala ako sa bahay namin sa Olongapo nung lumabas symptoms nila, nasa Manila ako that time and di na ulit umuwi nung nagsimulang lagnatin si mama).
“Iba ‘yung bagsak ko nung na-confirm ko na nag-positive sila. Ang layo ko. Pero pinilit ko umuwi ng Gapo. Kasi kailangan nila ako.
“Pag bibili ng gamot, ng groceries, ng iba pang kailangan nila kasi bawal sila lumabas ng bahay. Lahat sila na nasa bahay, bawal. Natuto ako mag grocery mag-isa jusko. Skl. Everyday ako tumatawag sa kanila.
“Isa isa ko silang tinatawagan just to check. Lalo na si Dad diabetic. Iba yung trauma. Yung mga thoughts ko kung san san na napupunta. Mahirap. Kasi yung feeling na mag-isa kang dapat maging matapang kasi ikaw lang aasahan,” pahayag pa ni Kriatoffer.
Todo rin ang pasasalamat niya sa lahat ng mga naging sandalan at katuwang niya sa pagharap sa pinagdaraanang pagsubok ng kanilang pamilya.
“Ang lakas ng prayers. SOBRANG LAKAS NG PRAYERS GUYS! At sobrang thankful ako ng sobra sa mga taong nandyan sakin. Konti lang nakakaalam pero ang lala ng pagmamahal na binuhos nila.
“Sa’yo Love, @acbanzooon na simula una ng laban na to kasama kita. I know your sacrifices dito sa pinagdaanan natin love. And super thankful ako sayo. @arjeder, na kumukop sakin ng ilang araw, na siya pa naghanap ng tutuluyan ko kasi sabi ko nahihiya na ko sa kanila. Di ako iniwan nito since day 1. Salamat pre.
“Kay @beabinene na everyday tumatawag just to check kung kamusta ako, kamusta sila mama. Kay @aldenrichards02 na pag di ko na talaga kinaya, yung sobrang breakdown, matic siya tinatawagan ko. Isa siya sa mga nagpakalma talaga sa mental state ko at lagi akong inaassure na gagaling sila mama.
“Sa mga solid kong mga bisita everyday para di ko daw maramdaman na mag-isa ako @renzpicache @iamnicoleslaw @jhayps.picache. Salamat ng marami.
Salamat sa pag-isip din sakin. Salamat at di ko naramdaman mag-isa ako. Sa lahat ng kaibigan ko na nagdasal. Maraming salamat sa inyo. Sobrang laki ng bagay na kinakamusta niyo ko. Salamat,” mensahe pa ni Kristoffer Martin.