NAG-POST si Janella Salvador ng photo para ipakita ang kanyang hitsura now.
Sari-sari ang naging reaction ng netizens sa kanyang photo. May pumuri sa kanya, may nangantiyaw at mayroon ding nam-bash.
“Sana soon tyan mo naman upload want din namin makita baby bump mo.”
“So totoo nga? Na madaming kupal sa comments tuwing nagpopost si mami Janella. Hahahaha! mind your own matres daw? Mas hamis gihapon lubot ni Janella kesa ninyo hmp.”
“Oh my god she’s stunning.”
“Hi @superjanella mag kaedad Lang tayo Kaya jea Lang ang tawag ko sau anyway we always support you no matter what and I’m so 100% proud of you and I love you so much @superjanella and your mom tita @j9desire God bless you.”
Pinaniniwalaan ng ilang netizens na buntis si Janella at ang ama ay ang kanyang boyfriend na si Markus Paterson. Nasa UK ngayon ang dalawa pero wala pa silang pahayag sa pregnancy rumors.
* * *
A lot of Kapamilya are happy to learn na mapapanood na sa Zoe Broadcasting Network ang “It’s Showtime” starting this Saturday, Oct. 10 at ang “ASAP NAtin ‘To” starting this Sunday, Oct. 11.
Marami ang na-happy dahil finally ay mapapanood na sa free TV ang dalawang popular shows ng ABS-CBN.
Marami ang nagsabing nagkatotoo ang sinabi ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account na “Better days are coming. Yes better days!!!!!”
Kasunod nito, nagpahaging si Vice ng magandang balita sa “Showtime” recently.
“Naku, naku, naku, abang-abang lang kayo diyan. Naku, naku, naku! Ayoko na lang talagang magsalita baka mapagalitan ako. Naku, naku, pero abang-abang kayo diyan.”
“Di ba, sabi ko sa inyo, madlang people, better days are coming,” say ni Vice Ganda.
Actually, ang kapuri-puri ay hindi nagpatinag ang ABS-CBN sa pagkakatanggal sa kanila ng prangkisa. They went digital and they are lording it over there.
At ang maganda, puro bagong episodes ang ipinalalabas nila sa “FPJ’s Ang Probinsiyano.” Nag-launch pa sila ng bagong drama series, “Ang Iyo Ay Akin” nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria.
Ang bagong launched nilang drama series na “Walang Hanggang Paalam” ay talagang sinusubaybayan. May bago pang drama series na bubuksan ang Dos, ang “Init Sa Magdamag” at isang morning drama series.
With that, ipinakikita lang ng ABS-CBN na walang makapipigil sa kanilang paglipad sa ere even with the absence of a franchise.