NAKATAGPO na nga ba ng bagong lalaking mamahalin ang Kapamilya actress na si Bela Padilla?
Yan ang nagkakaisang tanong ng mga netizens at mga tagasuporta ng aktres matapos makita ang latest photo na ipinost niya sa Instagram.
Feeling kasi ng kanyang IG followers, in love nga ang dalaga at mukhang nahanap na niya ang taong muling nagpatibok ng kanyang puso.
Malalim at mahiwaga ang caption ng aktres sa litratong ibinahagi niya sa IG na kuha sa recent trip niya sa Cappadocia, Turkey na kilala sa panoramic view dahil sa ipinagmamalaki nitong hot air balloon rides.
“I waited till my swab test result came back negative before posting anything. And I didn’t think I’d leave the country at all this year, but life really has to start moving again,” ang simulang mensahe ni Bela sa inilagay niyang caption.
“As seen in this photo, my head is still up in the clouds in Cappadocia. I’m really super thankful that my job takes me to places I’ve never been before or never thought I’d go to…
“Because honestly, I’m not one to go to touristy places, so Cappadocia was low on my list of places to visit. But now, I consider it one of my safe havens,” pahayag pa ng dalaga.
Paglalarawan pa niya sa binisitang lugar, “Cappadocia is so beautiful and charming. They have great food and wine and even better people. I luckily got to meet some of the best ones!
“Their street animals are kind and calm, a great testament to how their treated. And the view is just beautiful from any point. (My peripherals haven’t been as blessed as they have in the last two weeks.)
“I love everything about this trip so so much. So I’ll slowly share what I went through in Cappadocia,” aniya pa.
Kapansin-pansin naman ang pag-tag ni Bela sa kanyang post sa isang @nocir o Norman Ben Bay na nagsilbing “photographer” niya sa kanyang pagbabakasyon sa Turkey. Nilagyan pa kasi ito ng aktres ng emoji na napapalibutan ng puso.
Comment naman ni Norman Bay, “You are truly a professional when it comes to captions,” with matching kiss emoji. Na nireplayan naman ni Bela ng, “You truly are a professional at making me smile (laughing emoji).”
Kinilig naman ang ilang IG followers ni Bela sa palitan nila ni Norman ng mensahe kaya ang feeling nila, may “something” na raw sa dalawa.
In fairness, matagal-tagal na ring walang lovelife si Bela. Ang huli pang na-link sa kanya noon ay si Zanjoe Marudo nang magkasama sila sa isang proyekto.
Kung hindi kami nagkakamali, ang huling nakarelasyon niya na alam ng publiko ay ang film producer na si Neil Arce na engaged na ngayon kay Angel Locsin.