PINAG-IISIPAN na ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young na lisanin na ang Metro Manila para sa inaasam na “probinsya” life.
Dalawang lugar ang pinagpipilian ng mag-asawa na posible nilang maging second home habang patuloy ang banta ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Sa bagong episode ng podcast nina Mikael at Megan na #BehindRelationshipGoals, seryoso nilang pinag-usapan ang posibilidad na manirahan na sa probinsya at tuluyan nang iwan ang Manila.
Ilan sa mga hindi na nila ma-take sa buhay-Maynila ay ang matinding traffic at nakaka-stress na lifestyle sa Metro.
Una sa listahan ng celebrity couple ay ang hometown ni Megan na Subic. Bukod sa magagandang lugar doon, mas magigig madali raw sa kanila ang mamuhay sa Subic dahil naroon ang pamilya at mga kaibigan ni Megan.
“I grew up there so it’s a very familiar place, I know it from the inside out. Although there are new establishments, it won’t be that difficult to learn what these new establishments are.
“Basically it feels like home. Every time I visit, even if I’m just visiting friends, it just feels so comfortable. It doesn’t feel alien-like to me,” pahayah ni Megan.
Isa pa sa kino-consider ng mag-asawa ay ang La Union. Gusto raw nilang tumira roon malapit sa beach. At panghuling option ay ang tuluyan nang mag-migrate sa ibang bansa.
Pahayag pa nina Mikael at Megan, sa ipinatutupad ngayong new normal sa mga taping at shooting, magiging madali lang sa kanila ang set-up kung sakaling bumalik na sila sa trabaho at umuuwi na sa probinsya.
Dahil nga lock-in na ngayon ang taping ng mga programa ng GMA, pwede raw silang manatili sa location ng isang buwan at pagkatapos ay babalik na uli sila sa kanilang probinsya life.