StarStruck 7 Ultimate Survivor namaga ang mata dahil sa contact lens: Sobrang hirap!

TAKOT na takot ang Starstruck Season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava nang ma-irritate ang kanyang mata dahil sa contact lens.

Ito pala ang dahilan kung bakit biglang nawala sa social media ang Kapuso youngstar.

Ibinalita ni Shayne sa kanyang fans at Instagram followers kung paano maapektuhan ang kanyang paningin dahil sa paggamit ng contact lens.
Nag-post ang dalaga ng ilang litrato sa IG Story kung saan makikita ang naging problema sa kanyang kaliwang mata

“To those wondering bakit hindi ako masyado naging active these past few days or last month, [it’s] because something happened to my left eye.

“Na-irritate siya from contact lens and guys ito ‘yung masasabi ko na isa sa sobrang hirap na naranasan ko at ayaw ko na maranasan ulit,” bahagi ng pahayag ng Kapuso star.

“Be careful when wearing your contact lenses. Be sure to wash your hands and dapat sobrang linis nung contacts before wearing it.

“I’m telling y’all guys, sobrang hirap talaga. Puro tulog ka lang, you can’t open your eyes properly kasi sobrang sakit talaga niya. Kaya always take care and protect your eyes,” paalala pa ni Shayne sa mga taong gumagamit ng contact lens.

Inamin pa niya na talagang nakaramdam siya ng matinding takot dahil sa nararamdaman niyang sakit. Ang mahirap pa nga raw sa kundisyon niya, gustung-gusto na niyang umiyak pero bawal.

“There are times na gusto ko umiyak sobra…pero, bawal umiyak kasi nga lalo lang mamamaga. ‘Yung tipong hirap ka talaga gumalaw. Hindi mo magawa yun mga gusto mong gawin, hindi ka makagawa ng something productive kasi nga masakit talaga siya.

“Take care of your eyes, lalo na ‘pag magsusuot ka ng contact lens. Check it first, wash it nang mabuti muna. Love y’all guys. I hope y’all are doing fine,” muli niyang paalala sa kanyang followers.

Samantala, sa huling IG post ni Shayne ay ibinalita niyang medyo nakaka-recover na ang kanyang mata.

“Medyo okay na siya guys, but nasa healing process pa din.

“It still stings sometimes and namamaga siya ulit kapag natatagalan sa ring light, phone or kapag napapagod siya ng sobra. I hope gumaling na siya ng sobra.

“Thank you for the overwhelming messages. Sobrang naappreciate ko lahat guys, I love y’all,” mensahe pa ng Starstruck Female Ultimate Survivor.

Read more...