Buboy Villar 2 taon nang hiwalay sa nanay ng mga anak; rumaraket na rin bilang vlogger | Bandera

Buboy Villar 2 taon nang hiwalay sa nanay ng mga anak; rumaraket na rin bilang vlogger

Reggee Bonoan - October 05, 2020 - 05:22 PM

KAYA pala wala nang ipino-post si Buboy Villar sa social media kasama si Angillyn Gorenz, ang nanay ng mga anak niyang sina Vlanz Karollyn (3 years old) at George Michael (1 year old), ay dahil tuluyan na silang naghiwalay.

Dalawang taon na palang hiwalay ang dalawa na umamin sa relasyon nila noong 2016 at plano na nga sana nilang magpakasal pero hindi na ito natuloy.

In fairness, naitago nila sa publiko na co-parenting na lang sila sa dalawa nilang anak noon pang 2018.

Kasalukuyang nasa Amerika si Angillyn at nagtatrabaho para sa kinabukasan ng kanilang mga anak na nasa poder ng magulang niya rito sa Pilipinas.

Nadadalaw at nahihiram naman sila ni Buboy.

Nagdiwang ng kaarawan ang bunsong anak nina Buboy at Angillyn na si George noong Agosto 31 at ang caption sa larawan nilang mag-aama ay, “Happy 1yr old sayo baby George iloveyou bunso. Naway maging magandang lalake ka katulad ni papa dito lang si papa mo palagi para sa inyo ni baby Vlanz.”

Isa pang larawan ang ibinahagi nila sa publiko kung saan makikitang hinihipan ng panganay ni Buboy na si Vlanz ang kandila sa birthday cake ni baby George na may caption na, “Ay na post! HAHAHA Hindi ko naman kasi mapigilan ang cucute nyo! May post pala ako sa YT Channel ko. Para mas makita nyo mga talent nila.”

Walang regular show ngayon si Buboy sa GMA kaya abala siya bilang content provider/vlog sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 695k subscribers. Nagsimula lang siyang mag-vlog noong Nobyembre, 2019.

Kaya naman sobrang nagpapasalamat si Buboy sa lahat ng subscribers niya dahil sa loob lang ng three months ay nakamit na niya ang kanyang Silver Play Button.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending