Andi hindi maitodo ang selebrasyon ng pagbubuntis dahil sa pandemya

AMINADO ang actress-vlogger na si Andi Eigenmann na hindi niya maitodo ang kaligayahang nararamdaman para sa nalalapit na paglabas ng kanyang third baby.

Ramdam na ramdam pa rin ng hindi na aktibong aktres ang hirap ng buhay ngayon dulot ng COVID-19 pandemic, lalo na kapag naiisip niyang marami pa rin ang walang trabaho.

Mahigit limang buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ni Andi na ikalawang anak na nila ng champion surfer na si Philmar Alipayo.

Sa Instagram, muling ipinost ng anak ni Jaclyn Jose ang litrato nila ng anak na si Lilo kung saan kitang-kita na ang kanyang baby bump.

Aniya sa caption, “Taking bump pics just because! Did this regularly with Lilo and I enjoy looking back and having those photos as memories.

“But now, as much as this pregnancy has been feeling much easier in a lot of ways, I feel like I haven’t been ‘celebrating’ it as much.

“It’s hard to celebrate anything nowadays. Specially with our family being a part during such a special time in our lives,” mensahe pa ni Andi.

Chika pa ng partner ni Philmar, regular siyang magpo-post ng mga litrato sa IG lalo na ng mga baby bump photos bilang bahagi ng kanyang pregnancy journey.

“So making it a point to enjoy and cherish these moments in our own little way because truly, baby 3 is a blessing to our fam and we cannot wait to welcome you into this world.

“You keep us hopeful little one, and we love you very much!” dugtong na pahayag ni Andi.

Mapapanood din ang nakaka-inspire na vlogs ni Andi sa kanyang “Happy Islanders” YouTube channel kabilang na ang mga prenatal workout routine video niya.

Read more...