Elha sa BF na singer: Siya ang isa sa dahilan kung bakit ako nag-diet at naging confident

ISA sa mga naging motivation ng Kapamilya young singer na si Elha Nympha sa kanyang fitness journey ay ang boyfriend na si Brian Gazmen.

Kitang-kita naman ang effect sa katawan ng “The Voice Kids” champion ang ilang buwang pagda-diet at matinding regular workout.

Ayon sa dalagita, nagsimula ang kanyang strict diet at regular na pag-eehersisyo noong March at mula noon kinarir na niya ito hanggang sa makuha na niya ang inaasam na ideal weight.

Effective raw sa kanya ang low-carb diet at pagwo-workout twice or thrice a day.

“Kasi before po, nag-diet na po ako and nag-lose na ako ng weight before tapos may inintake ako na medicine kaya medyo lumaki,” pahayag ng singer sa interview ni Toni Gonzaga para sa “I Feel U.”

“May point po na parang gusto ko lang po ng change para sa sarili ko. Nag-start po yun nu’ng March.

“Nasimula ako sa small goals lang po. Dapat next week, ganito na ang weight ko.

“Unti-unti po, hindi ko na lang po namalayan na sobrang nag-lose na po pala talaga ako ng weight. Hanggang ngayon po, nagda-diet pa rin po,” patuloy na kuwento pa ni Elha.

Isa pa sa ikinatutuwa ng dalagita, nang dahil sa ginawa niyang pagpapapayat, marami rin ang tumulad sa kanya nakisabay sa kanyang diet at workout.

“Marami po akong na-inspire na tao. Yun naman po kasi talaga yung main goal ko.

“Sa YouTube account ko po kasi, nagpo-post ako ng weight loss journey ko. Nu’ng pinanood po ng mga viewers yung video ko, tinray nila yung diet ko.

“Nakita ko yung results ng ginawa nilang diet so sobrang nakaka-overwhelm. Kapag inisip mo na naka-inspire ka ng ibang tao, happy ka na and parang na-achieve mo pa lalo yung goal mo,” lahad ni Elha.

Nagpasalamat din siya sa boyfriend niyang singer-actor na si Brian Gazmen na isa nga sa mga nag-motivate sa kanya na maging fit and healthy.

“Siya po ang isa sa mga dahilan kung bakit ko po binuild up yung sarili ko, bakit po ako nag-diet, bakit din po ako naging confident sa sarili ko ngayon,” sey pa ng dalagita.

Aniya, nag-star ang friendship nila ni Brian nang mag-guest sila sa “Magandang Buhay” hanggang sa ligawan na nga siya ng binata.

“He’s 20 po. Naging friends po kami and then nag-hangout tapos na-meet namin yung best friend ko and then nagkaroon po ng squad. Eventually, hindi ko po inaasahan na magkakaroon ng ganito,” chika ni Elha.

Sinagot daw niya ang binatang singer dahil, “Yung patience niya po kasi and yung tiyaga niya po.”

Read more...