SUMUGOD sa Subic, Zambales ang magkakaibigang Kim Chiu, Bela Padilla at Angelica Panganiban para sa isang madaliang bakasyon.
Ito’y bilang bahagi ng selebrasyon para sa third friendship anniversary ng kanilang grupong “AngBeKi” na pinagsama-samang Angelica, Bela at Kim.
Sa latest YouTube vlog ni Kimmy, mapapanood ang kanyang first out-of-town adventure kasama nga ang dalawa niyang BFF.
Ayon kay Kim, matagal niyang hinintay ang pagkakataong maka-bonding muli sina Angelica at Bela kaya naman talagang susulitin daw nila ang bawat oras ng kanilang bakasyon.
“This is super exciting and looking forward kung ano yung magiging first outing namin in this quarantine season,” ani Kimmy sa simula ng kanyang vlog.
Sinimulan ng “AngBeKi” ang kanilang road trip sa pamamagitan ng pagge-gate crash sa isang birthday lunch na dinaluhan ng kaibigan din nilang si Cherry Pie Picache.
Pagdating ng Zambales, agad na nagtungo ang tatlong aktres sa infinity pool at nagsimula nang magchikahan nang bonggang-bongga.
Pagsapit ng gabi, nag-ihaw ng steak ang tres marias para sa kanilang dinner. Sila-sila rin ang naghugas ng pinagkainan nila matapos lumafang.
Bago matulog, muling nag-bonding ang tatlo with a card game kung saan asar-talo si Kim dahil bokya siya sa galing dumiskarte nina Angelica at Bela.
Kinaumagahan naman, nag-prepare ng bonggang breakfast si Angelica, nagluto siya ng tuna omelet, corned beef at friend rice.
Mapapanood din sa vlog ni Kim ang pagpunta nila sa isang island sakay ng isang motor boat na mismong si Angelica ang nag-drive. Doon sila nag-swimming nang bonggang-bongga.
Sa isang panayam, ikinuwento ni Kim kung paano nabuo ang grupo nilang “AngBeKi”.
“Twitter name lang yan. Pinagsama yung Angelica, Bela, and kim. Sakto naman mga bakla naman kami. Babaeng bakla. So sige AngBeKi na lang tayo,” chika ng girlfriend ni Xian Lim.
Sey ni Kim, nakilala niya si Bela dahil sa isa nilang common friend. Hanggang sa makachikahan na nila si Angelica matapos um-attend sa isang party at mula noon naging close na sila sa isa’t isa.