Solo liderato pag-aagawan ng Letran, San Beda | Bandera

Solo liderato pag-aagawan ng Letran, San Beda

Mike Lee - August 24, 2013 - 02:10 PM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. Arellano vs JRU
6 p.m. San Beda vs Letran
Team Standings:
Letran (7-1); San Beda
(7-1); Perpetual (6-2); Jose Rizal (5-3); San Sebastian (4-4); St. Benilde (3-5); Emilio Aguinaldo (3-5); Arellano (2-6); Lyceum
(2-6); Mapua (1-7)

MAGPAPATIBAYAN ang San Beda at Letran sa itaas habang palalakasin pa ng Jose Rizal University ang kapit sa ikaapat na puwesto sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ito ang unang pagkikita ng Red Lions at Knights matapos maglaban para sa titulo noong nakaraang season at ang mananalo sa larong mapapanood dakong alas-6 ng gabi ay mangunguna sa liga matapos ang first round.
Parehong may iisang
7-1 baraha ang Knights at Lions at ang matatalo ay maaaring sosyohan ng University of Perpetual Help kung magwagi sila sa huling laro laban sa College of St. Benilde sa Lunes.
May six-game winning streak ang Lions na nanaig sa Knights sa finals noong nakaraang taon sa tatlong dikitang laro.
Iba na ang mga coaches ng dalawang koponan dahil wala na sina Ronnie Magsanoc at Louie Alas kaya’t magandang sipatin ang ipakikitang diskarte ng mga nakaupong sina Boyet Fernandez at Caloy Garcia sa larong ito ngayong gabi. — Mike Lee

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending