Pumalo na sa mahigit isang milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,033,235 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 213,524.
Sumunod na rito ang Brazil na may 145,431 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 100,875 naman ang death toll sa India habang 78,492 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 42,268
– Italy – 35,941
– Peru – 32,609
– France – 32,155
– Spain – 32,086
– Iran – 26,567
– Colombia – 26,397
– Russia – 21,077
– Argentina – 20,599
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 34,831,044 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 25,895,323 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.