Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Davao Oriental, Sabado ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 54 kilometro timog-silangan ng Governor Generoso dakong 11:25 ng umaga.
May lalim itong 118 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity 2 – Tupi, South Cotabato; General Santos City; Alabel, Sarangani
Intensity 1 – Kiamba, Sarangani; Koronadal City
Wala namang napaulat na pinsala sa Governor Generoso at mga karatig-bayan.
Ngunit nagbabala ang Phivolcs na posibleng makaranas ng aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES