Julia may bet na makasamang aktres sa isang GL movie
Sa nakaraang virtual mediacon ng Viva Artist Agency para sa latest talent na si Julia Barretto, naibahagi ng aktres na sobrang saya niya dahil siya na ngayon ang magde-desisyon para sa sarili niya. Gusto niyang subukan ang maraming bagay na alam niyang sa ikabubuti niya.
“I’m always looking at the brighter side of things. I’m so excited about this new milestone and times are changing and you know and it’s evolving. All of us as a person, we’ve all become more driven, more focused. Mas alam na natin ‘yung gusto natin para sa sarili natin.
“We just know now, I feel like we’re in time of our lives that we just know already what we want and what we want for ourselves. I do acknowledge the fact that it is a milestone. But it is a milestone that I’m really, really excited about. I have so much faith in this move and I’m only looking at the brighter side of things,” pahayag ni Julia.
Sa edad na 23 ay alam na ng dalaga kung ano ang gusto niyang mangyari sa future niya. Kaya naman natanong siya kung ano ang nakikita niya sa sarili 10 years from now.
“Well 10 years from now, I’ll probably have a family already. I’m 23. I’m really praying by the time I reach 33 I already having a family,” masayang sagot ng aktres.
Pero sa career niya muna ang focus ni Julia at gusto niya, “5 years from now I’ve probably done remarkable projects, remarkable characters and as an actress that’s all we really just hope to tell wonderful remarkable stories.”
Samantala, mapangahas ang isa sa gustong gawing project ni Julia. Nauna muna siyang tinanong kung type niya ang GL o girls love movie o series dahil nga pumatok ngayon ang BL series sa digital tulad ng Game Boys.
“Of course!” masayang sabi ng dalaga.
At ang gusto niyang makasama o “love interest” niya ay, “Well, siyempre I was very open about wanting to do something like that with Liza (Soberano).”
Paano kung hindi puwede si Liza dahil may ka-loveteam siya at may gagawin silang pelikula.
Mabilis na sabi ni Julia, ‘’kung hindi si Liza…siguro like Lovi Poe or Jasmin Curtis Smith or Liza (hirit ulit).’’
Sakto na naka-chat namin sa FB ang manager ni Liza na si Ogie Diaz at nabanggit namin na type ni Julia ang alaga niya sa isang GL project.
“Sa ngayon, hindi ko pa naiisip na papunta doon ang career path na gusto namin para sa kanya (Liza),” sagot sa amin.
Ayon, malabo na nga si Liza. Kaya mamimili na lang si Julia, either si Lovi o Jasmin.
Ikaw bossing Ervin, sino sa tingin mong babagay kay Julia para sa GL series/movie?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.