Dating matinee idol na si Carlo Muñoz administrator na ng isang nursing home sa US


NATATANDAAN n’yo pa ba ang dating aktor na si Carlo Muñoz, ang brother ng former matinee idol ding si Leandro Muñoz?
Isa siya sa mga kilalang celebrity noon na biglang tinalikuran ang mundo ng showbiz para sa mas tahimik at pribradong buhay.

Ayon kay Carlo, hindi niya pinagsisisihan ang pag-alis sa showbiz at ipagpalit ang magandang career sa pagsisimula muli ng kanyang buhay sa Amerika.

Nagdesisyon si Carlo at ang kapatid na si Leandro sa Amerika noong 2003 matapos pumanaw ang kanilang ama. Kasagsagan noon ng kanilang career sa showbiz.
Inamin ni Carlo na nag-try din siyang pasukin ang entertainment sa US dahil yun naman talaga ang isa sa passion niya, ang umarte.

“Kasi nu’ng umalis ako I was hoping to do something similar. Kasi nag-attend din ako ng classes dito sa Hollywood. I tried it, but then I realized it will take a lot,” pahayag ni Carlo nang mag-guest siya sa digital show na “Just In” ni Paolo Contis.

“And then when we moved here, nu’ng na-meet ko ‘yung mga kaklase ko sa acting class, I realized, man, half of my classmates, they were living in their cars.

“Kasi ‘yun ang uso dito sa States. If you want to become an actor, you come to Hollywood, most of the people here are from other states.

“Pumupunta sila dito thinking they’re gonna be successful, but it’s a long road to success,” lahad ni Carlo.

“Meaning auditions for years and years and years until you finally get your break,” patuloy niya.

“So, when I realized I had to do my grind again, dalawa na ‘yung babies ko, I don’t think I can do that, I can’t live in my car,” aniya pa.

Inalala rin ng dating aktor ang naging experience niya sa isang travelling musical produced by a Pinay singer-actress, si Fe delos Reyes.

Ngunit aniya, mukhang hindi yata para sa kanya ang showbiz sa Amerika kaya nag-decide siyang hanapin ang kanyang swerte sa ibang larangan.

Sa ngayon, isa nang administrator ng isang nursing home si Carlo sa US at masaya naman daw siya sa natagpuang career doon.

Ilan sa mga naging proyekto noon ni Carlo sa ABS-CBN ay ang “Tabing Ilog”, “Pangako Sa Yo,” “Maalaala Mo Kaya” at “Bituin.”

Read more...