Sam miss na miss na si Catriona, matagal nang hindi nagkikita dahil sa trabaho

BALIK na sa lock-in taping ang lahat ng kasama sa teleseryeng “Ang Iyo Ay Sa Akin” na aabutin ulit ng three weeks.

Ayon sa isa sa members ng cast na si Sam Milby, ganado siya sa taping dahil maganda ang feedback sa acting niya at hindi nagpapalamon kina Maricel Soriano, Iza Calzado at Jodi Sta. Maria mula sa JRB Creatives.

At dahil lock-in lagi ang taping nina Sam hindi sila nagkikita ng girlfriend niyang si Catriona Gray kaya nami-miss na niya ang dalaga.

Nagtanong kami sa production kung aabutin pa ng 2021 ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” dahil maganda ang feedback ng viewers, “Not sure pa po, pero sana para may work kaming lahat.”

Nabanggit din sa amin na mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols ng Kapamilya network dahil before and after ay pinapa-swab test ang lahat.

At pagkatapos naman ng three weeks na lock-in taping ay kanya-kanyang uwi sa kani-kanilang bahay at bawal silang lumabas o kung lalabas man, siguraduhing healthy sila para sa next taping schedule.

“Mahirap po kasi kapag may nag-positive sa artista o sa prod, maapektuhan ang taping.  Kaya talagang sobrang ingat po lahat,” sabi pa sa amin.

Anyway, going back to Sam, nagtanong kami sa handler niya kung may offer din siyang natanggap mula sa ibang network at kung posibleng tanggapin niya ito after ng serye nila sa Kapamilya network pero hindi pa kami sinasagot.

Read more...