Babala ng nanay ni Lloyd Cadena sa mga impostor: Matakot naman kayo sa karma | Bandera

Babala ng nanay ni Lloyd Cadena sa mga impostor: Matakot naman kayo sa karma

Ervin Santiago - October 01, 2020 - 09:52 AM

 

SA unang pagkakataon ay nagsalita na si “Mother Kween” tungkol sa pagkamatay ng anak niyang vlogger na si Lloyd Cadena.

Mula nang pumanaw ang kilalang YouTuber ay ngayon lang humarap sa publiko ang kanyang ina na isa na ring sikat na vlogger ngayon.

Kahapon, nag-upload ng video si Mother Kween para magpasalamat sa lahat ng mga nakiramay at patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanyang anak.

Partikular niyang nabanggit ang sexy star at kapwa YouTuber na si Ivana Alawi at ang pamilya nito.

“Ngayon lang ako magsalita, kasi ngayon ko lang kaya magsalita,” ang simulang pahayag ng nanay ni Lloyd sa kanyang YT video.

“Sa mga message n’yo, sa mga nag-alala sa akin,” sabi pa ni Mother Kween kasunod ng pagpapasalamat sa pamilya ni Ivana sa lahat ng ibinigay nitong tulong.

Sa mga nagtatanong naman kung kumusta na ang health condition niya at ng iba pang miyembro ng pamilya, matapos ngang mag-positive sa COVID-19 ang kanyang anak, huwag daw mag-alala ang kanilang mga tagasuporta.

Nagpa-swab test na raw sila lahat, “Sa awa ng Diyos naman, all negative result kami. Kaya wag kayo mag-alala sa health namin.”

Humingi rin siya ng pasensya sa lahat ng mga gustong dumalaw sa bahay nila, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sila tumatanggap ng bisita dahil sa banta ng pandemya.

Aminado naman ang nanay ni Lloyd na hindi pa rin sila makapaniwala na wala na ang kanyang anak na pumanaw sa napakabatang edad.

“Sa ngayon, nasa stage pa kami na hindi pa namin matanggap. Sisikapin namin na maka-recover din kami sa nangyari kay Lloyd,” aniya.

“Pero wala na tayong magagawa dahil hiram lang naman si Lloyd. Hiram ko lang naman si Lloyd,” dugtong pa niya.

Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay naglabas din siya ng saloobin sa mga “fake news” na naglalabasan tungkol sa kanya at kay Lloyd.

Aniya, may mga gumagamit sa pangalan nila para makapanloko. May ilan kasing naglabas ng balita na kino-quote siya at pinalalabas na siya ang nagsasalita tungkol sa nararamdaman niya sa pagkamatay ni Lloyd.

“Parang hindi naman magandang pakinggan na gamitin ang pangalan ko. Una pa kayong nagsalita sa akin. This is my first time na magsalita. Hindi pa ako nagsasalita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Irespeto naman natin si Lloyd. Mabait na bata yun. Sana matakot naman kayo sa karma,” pahayag pa ng Mother Kween.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending