SUPER touched si Angel Locsin sa regalo ng kaibigang si Marian Rivera na talagang ibinandera niya sa social media.
Nagpasalamat ang Kapamilya actress-TV host sa Kapuso Primetime Queen sa magagandang bulaklak na ipinadala nito sa kanya kamakailan.
Ipinost ni Angel sa Instagram ang litrato ng flower arrangement na natanggap mula kay Marian na kabilang sa “Dried Blooms” collection ng kanyang online flower business.
“Salamat sa pampa-happy, Marian,” ang maikling caption ni Angel sa kanyang post.
Reply naman sa kanya ni Marian, “Basta ikaw. Hugs.”
Sa kabila ng mga tsismis at pang-iintriga sa dalawang aktres noon, nanatili pa ring magkaibigan ang dalawa na parehong gumanap na Darna sa teleserye.
Samantala, ibinahagi rin ni Angel sa madlang pipol ang pinagdaraanang “new normal” sa pagtatrabaho sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa aktres, regular siyang sumasailalim sa swab test sa bawat pagre-report niya sa trabaho, kabilang na nga riyan ang kanyang public service program niyang “Iba Yan.”
“Before & after every work, we go through swab testing + self-quarantine to make sure everyone is safe. This is the new normal,” ang caption ni Angel sa kanyang Instagram post.
Aniya, ibang-iba na talaga ang takbo ng buhay ngayon ng bawat Pinoy, “Dati gigising ka lang, liligo, punta sa work ang kailangan, ngayon—eto na not complaining though, just reminiscing what used to be.”
Dugtong pa ni Angel, “I’m all for a safe working environment not just for us sa set, but for our loved ones as well. Looking forward to the day without the threat of COVID-19.”