NATUPAD na rin sa wakas ang isa sa mga pinapangarap ni Rocco Nacino mula pa noong bata siya.
Masayang ibinalita ng Kapuso actor na certified member na siya ng Naval Special Forces Operations Group (NavSOG) bilang honorary member.
Ayon kay Rocco, ang pagiging opisyal niyang miyembro ng NavSOG ay bunga na rin ng sakripisyo at disiplinang ipinamalas niya sa pinagdaanang mabibigat na training.
“Humaba ang pangalan ko lalo (dahil sa nasabing naval service group). Dahil nga sinasabi nga nila na elit group ‘to, kung 600 man ang sumasali, usually parang 50 lang ang guma-graduate.
“’Yung mga ginawa kong training with them talagang narasanan ko na hindi pala biro,” pahayag ni Rocco sa panayam ng GMA.
At dahil nga rito, ginawaran din ang “Descendants of The Sun” actor ng tinatawag na Tiger Battle Dress Uniform (BDU). Aniya, bata pa lang siya ay pangarap na niya itong isuot.
“Bonus lang ‘yung tingin sa kanya as a reward pero ‘yung pagtanggap ng responsibilities, mas niyakap ko ‘yun ngayon.
“The beautiful thing about this is that NavSOG has a good relationship with Kapuso Foundation. At the same time, ambassador din ako ng Kapuso Foundation,” pahayag pa ng Kapuso actor.
Samantala, isa pang ipinagpapasalamat ni Rocco ay ang paghataw sa Netflix ng 2019 Metro Manila Film Festival entry nila ni Miles Ocampo ng “Write About Love”.
Nag-number 2 kasi agad ito sa Top 10 ng Netflix Philippines kaya naman todo ang pasasalamat ng aktor sa mga manonood.
“Remember this scene from #WriteAboutLove?
“Definitely my favorite scene from the movie! Iba ang feeling na makita ang sea of clouds.
“Thank you everyone for putting ‘Write About Love’ on the Trending List on @netflixph! Enjoy watching!” ang post ni Rocco sa Instagram.
Kasama rin sa movie na idinirek ni Crisanto Aquino sina Joem Bascon at Yeng Constantino.