Enrique nagluluksa sa pagpanaw ng abuelita: She’s a legend, a rockstar

NAGLULUKSA ngayon ang Kapamilya actor na si Enrique Gil at ang buong pamilya sa pagpanaw ng kanyang “abuela”.
Ibinahagi ng binata ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kaninang madaling araw.
Ipinost ng young actor sa IG ang ilan sa kanilang family photo kung saan kasama pa nila ang yumaong lola na nakatira sa Spain.

“I’m lucky to say i have the coolest grandmas in the world and im not just saying that my abuelita acted like she was just our age but even cooler she’s a legend a rockstar and the sexiest and funniest abuela ever.

“I know you’re happy to be together with papa and tita gina watch over us please, till we drink and see each other again hasta luego mi amor,” ang caption ni Enrique sa kanyang IG post.

Agad na nakiramay ang girlfriend ni Enrique na si Liza Soberano at nag-post din ng mensahe sa kanyang Instagram Stories.

Isang litrato ang ibinahagi ni Liza na kuha pa noong 2017 sa Spain kung saan niya nakilala at naka-bonding ang lola ni Quen.

Mensahe ni Liza, “Rest in peace with our creator Abuelita. You fought long and hard. I’m sad we didn’t get to see you one last time. I will always take care of Quen like I promised you. I love you.”

Sa isang panayam, inilarawan ng dalaga ang “abuelita” ni Enrique bilang masayahin at super cool. Nakilala ng dalaga ang pamilya at ilang kamag-anak ng boyfriend noong magbakasyon sila sa Spain.

“For her age, very hyper and she’s very funny. Walang dull moments. Hindi siya nauubusan ng kwento, sobrang animated,” pahayag pa ni Liza.

Read more...