ITINUTURING na role model ni Liza Soberano ang Kapamilya actress-TV host na si Angel Locsin.
Isa si Angel sa mga local celebrities na tinitingala at tunay na nirerespeto ni Liza pagdating sa larangan ng pag-arte at pagiging matulungin.
“Here in the Philippines it will definitely be ate Angel Locsin and on the western side, I really look up to Audrey Hepburn and Angelina Jolie,” ang sagot ni Liza nang tanungin kung sinu-sino ang mga role model niya s mundo ng showbiz sa panayam ni Karen Davila sa “Headstart” ng ANC.
Ayon sa girlfriend ni Enrique Gil, nakakabilib ang ginagawang pagtulong ni Angel kapag may mga kalamidad o sakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kaya naman talagang nagsisilbing inspirasyon ang aktres para makagawa rin siya ng mga makabuluhang bagay para sa kanyang kapwa.
Samantala, sa nasabi ring panayam, sinabi ng dalaga na punumpuno na siya sa kanegahan sa social media at sa mga nagaganap sa ating bansa kaya mas naging vocal siya sa pagsasapubliko ng kanyang saloobin.
“Before I wasn’t the type to talk about such issues pero I always have my fair share of opinions on them.
“I just didn’t feel comfortable sharing them because I knew people would always have something to say against my opinion and before I wasn’t comfortable with that.
“But now I think I’ve gained so much courage from seeing other people stand up for themselves that has inspired me to stand up for myself and for those people who cannot do so,” lahad ni Liza.
Kamakailan, kinasuhan na ng young actress ang empleyado ng isang internet service provider na nagsabing “ang sarap niyang ipa-rape.”
Ani Liza, ginawa niya ito para turuan ng leksyon ang lahat ng iresponsableng netizens na walang pakundangan kung magkomento ng masasama laban sa kanilang kapwa.
Pahayag pa ng dalaga, hindi na siya basta mananahimik sa mga pambabastos at pambu-bully sa kanya sa social media, “There aim is to silence me and if I give them that then they win. And we can’t let them win.
“We got to keep voicing out opinions especially if we know we are on the right side.
“And I have to be the voice for the voiceless. I have to spark courage to the people who support me and look up to me,” aniya pa.
Sa isang bahagi ng panayam, natanong si Liza kung may chance na pasukin din niya ang mundo ng politika in the future. “No. I don’t think so,” mabilis at diretsong tugon ni Liza.