Nicole Hyala ginagamit sa scam: Mag-ingat kayo, ilang beses na rin akong naloko sa pera

PINAG-IINGAT ni DJ Nicole Hyala ang netizens na gumagamit sa kanya sa isang scam.

Sa kanyang Instagram account ipinadaan ni DJ Nicole ang warning sa kanyang followers matapos malamang ginagamit siya para mag-solicit ng money.

“MAG-INGAT! It has come to my attention that my name and photos are being used by somebody to solicit sponsorship from small businesses. Ilang paalala:

“1. Wala po akong ongoing show sa TV. Wish ko lang meron, pero waley. Hahaha. Kung meron po, mababasa niyo yun sa lahat ng social media pages ko. Ako pa ba, e lahat naman pinopost ko. Hahaha.

“2. Basta hinihingian kayo ng pera, maging maingat. Double, triple, quadruple check. Ang bawat piso ay pinaghihirapan ngayon. Ilang beses na rin akong naloko sa pera kaya naiinis talaga akech sa scammers.

“Talaga ba? Sa panahon talaga ng pandemic? E di wow. Ika nga ni Nicole Hyala, excited si Satanas pag may scammer. May bago kasi syang downline. Hahahaha.”

Nalaman na lang ni DJ Nicole na ginagamit siya sa isang scam when one netizen asked her kung siya nga ang nagso-solicit ng datung para sa sponsorship.

“Ika nga sa isang commercial, ‘Wag mahihiyang magtanong.’ Ang lagi kong mantra – When in doubt, ask. Kaya buti na lang nalaman kong may scammer na ginagamit ang pangalan at pix ko, kasi may nagtanong. Very good kayo jan,” say ni DJ Nicole.

Ito naman ang advice ni DJ Nicole sa mga gumagamit sa kanya, “Sa mga scammers: Kuya, ate huwag po. Advice ko – tambay ka sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Mga 3 hrs a day. Practice yan. Sa init ng impyerno. Hahahaha.”

                          * * *

Kumpara sa ibang networks, seryoso rin talaga ang ABS-CBN sa pagiging lider sa digital dahil kahit saan nakikita ito — sa YouTube, sa Facebook, sa Kumu, at may sarili pa itong app na iWant TFC na kaka-launch lang din nitong Setyembre.

Ngayong pandemya, ABS-CBN ang nakapag-produce ng pinakamaraming digital shows. Kasabay pa yan ng franchise issue at retrenchment, ha.

Una na nga diyan ang online talent search ang Star Hunt na “Bida Star.” Kung akala ng marami pabagsak na ng ABS-CBN, nagkakamali sila dahil marami pang palabas ang ipo-produce ng network, kaya naghahanap pa ito ngayon ng marami pang artista para sa mga plano nilang gawing shows in the future.

Ito pa, walang pelikula o kahit anong content na ipinalabas ang malalaking movie producers gaya ng Viva at Regal ngayong pandemya, pero ang ABS-CBN Films, walang humpay ang paggawa ng digital content.

Nandyan ang Boys’ Love series na “Hello Stranger” na ngayon ay ang most-watched Filipino digital series matapos makakuha ng 13.7 million views online.

Trending din ang visual podcast ng Star Cinema na “Four Bad Boys and Me” na umabot na 1.4 million views ang unang episode nito. Meron din itong online talk show na “I Feel You” kung saan host si Toni Gonzaga.

Buhay na buhay din ang OPM dahil sa ABS-CBN Music na sunod-sunod ang nire-release na mga original na kanta. ‘Di ba nga sumikat ‘yung “Bawal Lumabas” ni Kim Chiu tsaka “Corona Bye Bya Na” ni Vice Ganda. Nag-release din ng version si Miss Universe Catriona Gray ng “Raise You Flag,” at may collaboration sina Moira, Kyla, KZ, at iba pang Pinay singers sa Southeast Asian singers mula sa Indonesia, Malaysia, Singapore, at Thailand para sa “Heal” project.

Sa kabila ng hirap ng ABS-CBN, ito pa talaga ang nakakapagbigay ng bagong source ng entertainment para sa mga Pilipino. ABS-CBN pa rin talaga ang gumagawa ng paraan para makasama ang mga manonood sa online man o satellite at cable TV.

Kahit pa pinapabagsak at pinilayan, pinapatunayan talaga ng ABS-CBN na ito ay in the service of the Filipino. Kailanman, hindi ‘yan mapapantayan ng ibang networks.

Read more...