Iniutos ni Environment Secretary Roy Cimatu ang temporary suspension sa dolomite operations ng dalawang kumpanya sa Cebu.
Sa kaniyang pahayag sa Cebu, sinabi ni Cimatu na layon ng desisyon na mabigyang-daan ang imbestigasyon ng DENR sa environmental impact ng dolomite quarrying.
Epektibo ang suspensyon simula ngayong araw, Sept. 25 ayon kay Cimatu.
Nagtungo si Cimatu sa Alcoy, Cebu para inspeksyunin ang dolomite-quarrying.
Inatasan ni Cimatu ang Environmental Management Bureau sa Central Visayas (EMB-7) na kumuha ng water samples at magsagawa ng air monitoring sa Philippine Mining Services Corporation (PMSC).
Ang PMSC ay naka-base sa Barangay Pugalo sa Alcoy at ito ang nagproseso ng dolomite na binili ng DENR mula sa Dolomite Mining Corporation (DMC).