Angel, Neil sumabak na rin sa pagba-vlog; nakipag-bonding sa Dumagat tribe

SA wakas naisip na rin ng engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce na gumawa ng sarili nilang vlog para sa BTS o behind the scenes ng programang “Iba ‘Yan.”

Hindi naman kasi lahat ng nakukunan nila ay isinasama sa show dahil kukulangin sa oras at para hindi masayang lahat ng BTS naisipan nilang ilagay ang mga ito sa kanilang YouTube channel.
In-upload nila ang unang video sa The Angel and Neil Channel nu’ng isang araw lang kasabay ng anunsyo tungkol at nakakuha na agad sila 28,000 subscribers.

Simula ng vlog, “Hello everyone! We’re finally sharing with you our first ever YouTube video! This was about our trip to Norzagaray, Bulacan wherein we got to meet and learn about the culture of the Dumagat Tribe.

“It’s very touching to see how they value education, protect their families and preserve their culture. They warmly welcomed us and we definitely learned a lot from them.  Hope you guys enjoy these behind the scenes of our memorable trip!

“PS. The whole staff and crew of Iba Yan, together with our special guests underwent swab testing prior to filming to ensure everyone’s safety. The whole area where we filmed the episode is COVID free.”

Kuwento ni Angel, nagpunta sila sa Norzagaray, Bulacan kung saan matatagpuan ang tinatawag na Punduhan, ang half-way house ng mga Dumagat.

May sariling sasakyan si Neil bilang direktor at sinusundan niya ang crew ng “Iba ‘Yan” at nasa likod naman si Angel kasama ang staff niya.

Bago pumutok ang araw ay nakarating na sa lugar ang lahat pero limitado lang ang sasakyang puwedeng pumasok sa masikip na daanan ng gubat at umuulan pa kaya’t bumaba si Neil at sinabi ni Angel na sumabay na lang sa kanila ang fiancé na siya ring direktor ng nasabing Kapamilya show

Sabi ni Neil, “Actually sa pababa, wala namang problema (patag na at hindi na gaanong maputik).”

Pagdating sa mismong lugar ay banyo agad ang hinanap ni Angel dahil naiihi na siya, “Wiwi lang, gusto kong ipakita ito behind the scenes (inilibot ang camera sa loob ng payak na kubetang de buhos at may lababo), uy, malinis.”

Next scene ay sinabi ni Neil na, “Sobrang maulan dito at baka madulas ang camerawoman ko (si Angel pala).” Hirit naman ng host ng programa, “Uy, alalayan mo ako.”

Pumasok sila sa medyo malaking kuwarto na nagsisilbing eskuwelahan pala ng mga Dumagat kung saan inilagay lahat nina Angel ang mga gamit nila tulad ng mga kamera, monitor, pagkain, inumin at iba pa.

“Ito ‘yung school ng mga Dumagat, kita n’yo kung gaano kakonti ng resources nila, ang blackboard na ginagamit nila is (sabay tutok sa white board na isa lang), tapos iilan piraso lang ‘yung upuan nila at lupa itong pinakasahig nila.

“Walang bintana at butas ang bubong, walang kisame, walang pintuan kaya pag uulan ganito ang putik pero ang mahalaga ay nakakapag-aral sila rito,” paglalarawan ni Angel sa paaralan.

Nang sumikat ang araw ay kinunan ang mga Dumagat na paakyat sa lugar nila na nakabihis at mga nakapaa lang dahil nga maputik at tiyak na hindi kakayanin ng mga sapin nila sa paa.

Nakaka-inspire ang kuwento ng mga Dumagat dahil ‘yung isang nanay na sa kagustuhang makapag-aral ang anak ay naglakad sila ng apat na araw mula Quezon kasama ang anim na anak patungong Punduhan.

Katuwang din si Angel sa paghahanda ng mga pagkaing baon nila bukod pa sa ipinagluto sila ng mga tagaroon ng sinaing sa kawayan at ulam.

Ramdam talaga ng mga hayop kung mabait ang isang tao dahil ang pusa at mga aso ay lumapit agad kay Angel gayung unang beses palang silang nagkita. Pinakain naman kaagad sila ng aktres, “Grabe, gutom na gutom sila,” aniya.

Marami pang nangyari kaya mas magandang panoorin na lang ang 15-minute-vlog nina Angel at Neil at tiyak naming maaantig ang damdamin ng bawa’t makakapanood sa kuwento ng mga Dumagat.

As of this writing ay almost 37,000 views na ang unang vlog ng engaged couple.

Read more...