Solenn napaiyak nang unang bakunahan ang anak: Ibibigay ko ang buhay ko sa kanya

NAPATUNAYAN ni Solenn Heussaff na totoo ang laging sinasabi ng mga magulang na hindi mapapantayan ang pagmamahal nila sa kanilang mga anak.

Mismong si Solenn ang nagsabi na ganyan ang eksaktong nararamdaman niya ngayon para sa anak nila ni Nico Bolzico na si Baby Thylane.

Inamin ng Kapuso actress na matindi ang takot na naramdaman niya noong ipinagbubuntis pa lang niya ang panganay na anak na never daw niyang na-feel noong single pa siya.

Aniya pa, napakaraming “first time” ang nangyari sa buhay niya at ng asawang si Nico mula nang dumating sa kanila si Thylane.

“That’s the first time I felt real things. That’s the first time I freaked out. Because when you are young and you have nothing to take care of, you just… I can switch to this or like travel to this country and forget about things.
“But when you have an actual baby, it’s a different story,” pahayag ni Solenn sa online show nila ni Nico na “Past Bedtime with the Bolz.”

Naikuwento rin ng Kapuso star na talagang naluluha silang mag-asawa kapag umiiyak si Thylane.

“When she got her first vaccine we both cried. Because she was crying and we weren’t prepared for that. Any kind of accident, I think, no parent is ready for that,” aniya pa.
Nang tanungin ng asawa kung ano ang kaya niyang isakripisyo para sa kanilang anak, “My life,” ang mabilis na sagot ni Solenn.

Aniya pa, “I gave up my body, I gave up my work. Is that sad or funny? But I mean, I’m going to get back to work, just now I gave up a lot of things.

“For me, my life now is Thylane, like she’s number one. Everything I do, I do it for her,” sabi pa ng celebrity mom.

Read more...