Melai inaatake ng ‘sepanx’, grabe ang pasasalamat kina Alex at Toni


INAATAKE ngayon ng “sepanx” o separation anxiety ang TV host-comedian na si Melai Cantiveros.

Emosyonal na nagpahayag ng magkahalong lungkot at saya ang komedyana pagkatapos makatrabahong muli sina Toni at Alex Gonzaga.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Melai ang litrato niya kasama sina Alex at Toni with their director Fifth Solomon na kuha sa location ng ginawa nilang bagong movie.

Walang ibang detalyeng ibinigay ang Kapamilya comedienne tungkol sa kanilang pelikula ngunit ginamit nito ang hashtag na #Exorsissum sa kanyang post.

Ayon sa misis ni Jason Francisco,  hinding-hindi niya makakalimutan ang isa na namang napakagandang experience sa trabaho kasama ang kanyang mga kaibigan.

“Sobra talaga bitaw, nakaka-sepanx, lalo na ‘pag mga kaibigan mo talaga ang mga kasama ko.

“Gusto ko lang i-shout out and loud na very grateful ako sa friendship na binigay ni Lord sa amin.

“As in talaga super ang tawanan, lokohan, share-an, minsan nagkakaiyakan pa,” caption ni Melai sa kanyang IG post.

Aniya pa, “Kay Direk Fifth na napakagaling sa larangan ng direksiyon, nakaka-proud na kaibigan mo na ang nagdidirek sa ‘yo, ‘yung napaka-comfortable mo habang nagwo-work ka.”

Pahayag pa ni Melai, isang napakalaking blessing sa buhay niya ang magkapatid na Gonzaga.

Mensahe niya kay Toni, “I’m so happy kasi aside sa trabaho na binigay mo ‘te… nakaka-proud na ang producer mo ay kaibigan mo rin. At ‘yung wisdom sa araw-araw ay the very best for me. Lagi ko ise-share rin sa iba.”

Para naman kay Alex, “Thank you kasi talagang sobra Als, wala akong kapatid na babae pero ikaw sobra ang love mo, na feel ko ‘yun sa ‘yo. Gusto mo pa mag-lips to lips tayo HUY. Pero talagang very grateful ako sa FRIENDSHIP talaga, as in family na ako.”

Nagpaabot din si Melai ng pasasalamat sa asawa ni Toni na si Direk Paul Soriano at sa movie production nitong Ten17P Films.

“Napaka-organize and isa sa napakagaling na production I’ve ever worked with. Sana uulitin. Dito nga pag-uwi ko wala akong bukang-bibig kung ‘di kayo. Sabi na ni Jason ‘amazing,'” sey ni Melai.

Samantala, nag-post din si Alex sa social media ng mensahe kung saan sinabi rin nito na super miss na niya sina Melai at Fifth.

“The best feeling is when you are working with your best friends!! Thank you Lord Jesus for a successful shoot!!! We are all safe and now back at home pero Sepanx ako,” chika ng TV host-vlogger-actress.

Read more...