Gusto naman daw niyang gampanan ang papel niya bilang asawa ni Ice Seguerra at ina sa unica hija niyang si Amara.
Ito ang ibinahagi niya sa ginanap na virtual mediacon para sa “FDCP PH Cinema Centennial Celebration with Sine Sandaan: The Next 100” closing ceremony, “Kwentong Sandaan” series (with the living legends of Philippine Cinema) at Pista ng Pelikulang Pilipino online 2020.
“Gusto kong maging wife. Nag-aabang na ‘yung asawa ko sa akin. Maging wife, maging nanay, ‘yan ang mga nakaligtaan ko for four years. Nakakatawa lang pero sa totoo lang nagtatampo sila.
“Hindi rin sila makaalma kasi alam nilang para sa ibang tao ‘yung ginagawa ko, so kahit na nasasaktan sila nang personal, hindi sila puwedeng umalma. Sobrang supportive sila,” pagtatapat ni Ms. Liza.
Nabanggit pa niya na kapag nakahiga na raw siya ay naiisip niyang okay lang na nadyadyaryo siya.
“Pero may time na talagang nagdarasal ako na sana hindi ako trending, sana walang balita tungkol sa akin kasi hindi siya ‘yung balita na gusto mong mabasa. Ha-hahaha!” natawang sabi niya.
Hirit namin, mabuti na lang at hindi siya pikon, “Oo naman, mahirap ‘yun, na makarating do’n. Balat-sibuyas ako. Pero siyempre nasasaktan din ako, sobra na hindi n’yo na nalalaman ‘yun, sa asawa ko na lang. Hindi na ako masyadong umiiyak, konti na lang.”
At dahil artista naman siya kaya inalam din namin kung plano niyang bumalik sa pag-arte, “May magha-hire pa ba sa akin? Galit sa akin ang mga producers,” natawang sabi ni Ms. Liza.
Dagdag pa niya, “Natanggap ko na, pag may mga ipinaglalaban ka hindi naman sang-ayon ang iba, e, pero kailangan mong mamili. What do you want, change, so it’s part of the thing na talagang pinag-isipan na baka puwede ko itong ikatanggal at wala na akong career.
“Pero kailangang mangyari kasi nasa 100 years na tayo at paano natin mababago ang sistema, mga ganu’n pag-iisip sa buhay. Magluluto na lang ako pagkatapos ng FDCP!” aniya pa.
At dahil nagki-crave ng isaw si Ms. Liza ay hiniritan siya na baka naglilihi na, “Hayan, siguro ‘yan ang mangyayari after FDCP, jusko ang tanda ko na,” tumawang sabi nito.
Samantala, sa pagtatapos ng pagdiriwang ng One Hundred Years of Philippine Cinema, nais ng FDCP na bigyang-pugay ang mga kasapi ng industriya sa pamamagitan ng “Kwentong Sandaan.”
Ang pinakabagong “Sine Sandaan” ay mapapanood sa mga video tributes tungkol sa personal journeys sa industriya ng pelikulang Pilipino. Ito rin ay magsisilbing kumustahan kasama ang mga naparangalan sa “Sine Sandaan: Celebrating the Luminaries of Philippine Cinema” na ginanap noong Sept. 12, 2019 (ang simula ng isang taong paggunita sa Philippine Centennial Celebration).
Ang “Kwentong Sandaan” series ay magsisimula tampok ang living legends ng Philippine Cinema tulad nina Gina Pareño, Boots Anson-Roa, Gloria Sevilla, Jose “Kaka” Balagtas, at Leo Martinez. Siguradong mapapangiti o mapapatawa kayo sa kanilang nakatutuwang istorya at maluluha naman kayo sa kanilang nakaaantig na kuwento.
“This series of vignettes featuring our esteemed veteran actors aims to inspire our stakeholders and reignite our love for Philippine Cinema. It is such an honor to have our Living Legends and other luminaries in ‘Kwentong Sandaan’ as they join in the commemoration of the Closing of the Philippine Cinema Centennial Celebration.”
Hindi lamang Living Legends ang tampok sa “Kwentong Sandaan” kung hindi pati ang icons, luminaries, filmmakers, producers, artists sa likod ng camera, at iba pang unsung hero’s ng Philippine Cinema dahil lahat sila ay may mahalagang kontribusyon sa industriya.
Nagbahagi rin ng kanilang “Kwentong Sandaan” ang awarded filmmaker na si Brillante Ma Mendoza at aktres na si Dexter Doria. Marami pang kasapi sa industriya ang magbabahagi ng kanilang kuwento sa mga susunod na buwan.
Makikita ang “Kwentong Sandaan” teasers sa FDCP Facebook page (facebook.com/FDCP.ph) at mapapanood ang full videos sa YouTube Channel ng FDCP (youtube.com/FilmDevelopmentCouncilPH).