Glaiza sa anniversary surprise ng Irish BF: OMG! Seryoso ba ‘yan?!

NAPA-OMG ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro sa anniversary surprise ng kanyang Irish boyfriend.

Magkahiwalay na uli ngayon ang dalawa dahil nakabalik na sa Ireland si David Rainey matapos ang ilang buwang pananatili sa Baler, Aurora kasama ang pamilya ni Glaiza.

Inabutan kasi ng lockdown si David sa Baler dulot ng pandemya kaya nagkaroon sila ng mahabang panahon ng Kapuso actress para mas makilala pa ang isa’t isa.

Kaya naman LDR o long distance relationship uli ang drama ng magdyowa ngayon. Pero kahit na magkalayo, hindi pa rin nakalimutan ni David na sorpresahin si Glaiza sa kanilang anniversary.

Ibinahagi ng singer-actress sa Instagram ang video kung saan nagpunta siya sa tabing-dagat at bumungad sa kanya ang bouquet of flowers at isang body pillow na may mukha ni David.

“Oh my God! Seryoso ba ‘yan?” ang una niyang reaksyon.

Dito, inamin din niya na inaatake pa rin siya ng “sepanx” o separation anxiety mula nang umalis si David sa Baler.

Narito ang caption ng aktres sa kanyang IG video, “But this morning, someone surprised me and I’m so grateful ‘cause he constantly find ways to be there for me. Though not physically for now. I know we’ll be together again but hopefully, soon. Lol.

“Maraming salamat at mahal kita. Special thanks to our friends who planned this perfectly and woke up extra early to set this up. Sobrang saya lang,” aniya pa.

Sa isa pa niyang IG post, ipinakita rin ng dalaga ang kanyang litrato sa beach habang hawak ang bulaklak na ibinigay ni David habang katabi ang unan na may mukha ng boyfriend.

Kamakailan, ibinahagi rin ni Glaiza kung paano nagwo-work ang LDR sa kanila ni David, “Some people are asking how we make long distance relationship work, so sharing one of the many (personal) videos that was sent to me by @david_rainey89 as time difference is an issue we constantly face.

“So we try to come up with creative and exciting ways to communicate with each other. Perhaps it’s a good thing we’re apart sometimes, perhaps no.

“But one thing’s for sure; we put extra effort in this relationship and keep the faith, always,” aniya pa.

Read more...