Nagsimula ang lahat nang gawin nila ang pelikulang “Magkapatid” 18 years ago under Viva Films.
Inamin ni Juday na grabe ang pagka-starstruck niya nu’ng mga unang araw ng shooting nila, talagang hindi siya makapaniwala na kaharap at katrabaho na niya ang Megastar.
“Ang pinakanaaalala ko, ate, nu’ng first shooting day natin, sa Alabang Town Center ‘yun, eh. Naalala ko ‘yun kasi may diary ako no’n, tapos sinulat ko siya, kung paano ako kinabahan. Excited, kinakabahan ako.
“Tapos si Joel Lamangan pa ‘yung director natin. Tapos first ko serious movie ko sa Viva, eh. So parang hindi ko alam kung saan ko ipe-place ‘yung pakiramdam ko,” ani Juday sa bagong episode ng online show ni Mega na “The Sharon Cuneta Show.”
“Tapos ang eksena natin ‘yung kumakain tayo sa Italianni’s na outdoor seating. ‘Yung nagpapawis ‘yung kamay ko, tapos nakatitig lang ako sa ‘yo.
“Pinagmamasdan kita, inoobserbahan kita, bawat salita mo, bawat kilos mo, paano ka uminom ng Coke, paano ka unimom ng tubig. Pinapanood kita tapos sinusulat ko siya sa diary ko!
“Ewan ko, basta talagang sabi ko, ‘Grabe, si Sharon Cuneta nasa harap ko!’ Parang hindi ako makapaniwala,” lahad pa ng Soap Opera Queen.
Sey naman ni Shawie, “Ito po kasi, siya ‘yung superstar na hindi niya alam. Hindi siya aware po na sikat siya, na superstar siya. Kahit noon pa. Hindi talaga nagbago, napaka-humble na tao talaga.”
Judy Ann also recalled the time when Sharon let her sleep in her dressing room after she arrived to the set late because of a car trouble.
Naalala rin ng misis ni Ryan Agoncillo yung time na sinabihan siya ng movie icon na huwag na siyang tawaging “Miss Sharon”, ate na lang daw.
“Oo, natatawa ako kasi kapag merong mga, ‘Ms. Sharon, Ms. Sharon.’ Diyos ko! Si Judy Ann Santos pa, ano ba naman ‘to. Tsaka, ateng-ate ako. Gusto ko maging ate mo, ganu’n,” natatawang chika pa ni Mega.
Pagpapatuloy pa ni Sharon, “Alam mo hindi ko actually ma-pinpoint kung kailan tayo naging, ‘yung talaga nag-start mag-bloom ‘yung friendship.
“‘Yung mag-transform into friends ‘yung relationship natin. I cannot pinpoint the exact moment. Sa akin, nangyari siya organically, eh. Very naturally. Tapos, after the movie, parang lalong tumibay.”
Samantala, sa pagkakatanda naman ni Juday mas lumalim na ang friendship nila ni Shawie nang nasa kalagitnaan na sila ng shooting.
“During our movie, ‘yung shoot natin, towards the mid-part, personal na ‘yung pinag-uusapan natin. Work habits, personal life, ‘yung problema ko sa trabaho ko, ‘yung problema ko kay Tito Alfie (Lorenzo, her talent manager). Alam ko ikaw ‘yung tinatawagan ko noon.
“From then on, hindi na nawala ‘yung communication natin. I’d go to your concerts, you’d go to my premiere nights. Tapos hanggang sa mga birthdays ng mga bagets mo. ‘Yun na. Nagdire-diretso na,” pahayag ni Juday.
Sabi naman ni Mega, “Mamaya nagpupunta na ako sa bahay mo. Hanggang pupunta ka na sa bahay ko. Hanggang sa naging matron of honor mo ako nu’ng kasal mo.
“I was so honored kasi may ate ka naman, may kapatid ka, may iba ka pang best friends, but I became your matron of honor. I was so honored.
“Tapos naging ninang ako sa kumpil ni Yohan (panganay nina Judy Ann at Ryan). Ninang at ninong kayo ni Miguel (anak ni Sharon), ‘di ba? Sa akin talagang pamilya ka na, eh. Parang, super, it was just meant to be,” tuluy-tuloy na sabi pa ng award-winning singer-actress.