Dennis balak bang kasuhan si Jay Sonza matapos ipagkalat na buntis si Julia?

KUNG si Dennis Padilla ang tatanungin, hindi na nila kailangang idemanda si Jay Sonza matapos ibalitang buntis ang anak niyang si Julia Barretto.

Ayon sa veteran actor, balak niyang kausapin ang dating broadcaster tungkol sa issue at naniniwala siya na wala naman itong masamang intensyon.

Pero sabi ng komedyante, sana raw ay tinawagan muna siya ni Jay o ang nanay ni Julia na si Marjorie Barretto bago nagpakalat ng fake news.

Ayon kay Dennis, nasa taping siya ng bago niyang serye kasama si Ruffa Gutierrez nang makarating sa kanya ang balitang buntis daw ang anak at si Gerald Anderson umano ang ama.

“Actually ang unang nagtanong dito sa akin sa set si Ruffa Gutierrez. Sabi niya sa akin, ‘Kuya Dennis, totoo ba?’” ani Dennis sa panayam ng ating friendship na si Ahwel Paz sa “Showbuzz.”

Hindi naman daw naniwala ang veteran comedian sa tsismis, “Sabi ko hindi siguro dahil kung totoo iyan, magte-text din naman sa akin ‘yan na ‘Papa I’m pregnant.’ Wala eh. Tapos nakita ko nga ‘yung litrato ni Julia sa Instagram niya. So fake news talaga.”

Patuloy pa niya, “Ang gusto kong sabihin kay Kuya Jay, ‘Kuya Jay, bago ka sana nag-comment ng ganu’n, sana tinawagan mo naman ako o kaya tinanong mo kay Marjorie o kaya mag-text ka sa kung sino man ang malapit kay Julia para malaman kung totoo o hindi.’”

Maraming nagpayo kina Gerald at Julia na sampahan ng kaso si Jay Sonza dahil sa pagpapakalat ng fake news, pero ani Dennis, “Hindi na siguro kasi lalaki namang kausap si Kuya Jay.

“Mag-uusap na lang kami, tawagan and kung kailangan may mag-apologize, apology lang siguro. Ayos lang ‘yun dahil kaibigan din naman natin si Kuya Jay,” aniya pa.

Samantala, sinabi ni Dennis na hindi pa sila nagkakaroon ng chance ni Julia na makapag-usap pero naniniwala siya na kung may pinagdaraanan man ang anak ay tatawagan naman siya nito.

“Hindi pa kami nag-uusap. Nag-text lang kami ni Leon kahapon (kapatid ni Julia). I also respect the privacy of my daughter. She’s already 23. Adult na iyan eh.

“Si Julia kapag may hinihinging advice ‘yan, magte-text lang naman sa akin iyan. Hindi ko vino-volunteer ‘yung advice ko kasi adult na siya. Kapag nagtanong lang siya ng ‘Papa what can I do?’ Doon lang ako nag-a-advise,” chika pa ni Dennis.

“Pero ‘yung pinapangunahan, hindi ko ginagawa sa mga anak ko ‘yun. I respect them as a responsible adult. Number two, I respect them as my children,” sey pa ng comedian.

Read more...