Branch 66 ng Makati RTC nasa lockdown
Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - Bandera September 22, 2020 - 04:04 PM
Ang pagsasara ay simula ngayong araw Sept. 22 hanggang Sept. 28.
Sa memorandum ni Executive Judge Ethel Mercado-Gutay, habang sarado ang korte ay magsasagawa ng disinfection sa pasilidad.
Magsasagawa rin ng contact tracing at swab testing sa mga staff na nagkaroon ng close contact sa nasabing empleyado na huling pumasok sa trabaho noong Sept. 14.
Ang mga transaksyon sa naturang korte ay maaring ipadaan sa pamamagitan ng e-mail at hotline numbers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending