'Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story' nina Angelica at Robin hahataw sa Netflix | Bandera

‘Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story’ nina Angelica at Robin hahataw sa Netflix

Reggee Bonoan - September 22, 2020 - 01:34 PM

 

VERY proud na ni-repost ng isa sa producer ng Spring Films na si Erickson Raymundo ang poster ng animated film na “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story”.

Tampok dito ang boses nina Angelica Panganiban, Empoy Marquez, Arci Muñoz, Sam Milby at Robin Padilla.

Ang caption ni Erickson sa nasabing poster, “Finally! Hayop Ka from Spring Films and Rocketsheep Studio will be on Netflix! Congratulations Avid Liongoren. This will be available all over Asia…for now.”

Ito naman ang caption ng Netflix sa kaparehong poster, “Here’s something to start your Monday right: the *first* animated Netflix Film from the Philippines is arriving next month! “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story” is coming October 29  #HayopKa.”

Ang nasabing animated movie ay idinirek ni Avid Liongoren produced by Piolo Pascual mula sa Rocketsheep Studio at distributed ng Spring Films na mapapanood na sa Okt. 29.

Tanda namin ay ipalalabas sana ang “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story” nitong unang quarter ng 2020 kung hindi nagkaroon ng pandemic.

Medyo matagal nang nagawa ang movie na ito pero walang kasiguraduhan kung kailan magbubukas ang mga sinehan at kung sakaling magbukas man ay tiyak na hindi mabibigyan ng magandang petsa ang pelikulang pinrodyus ni Papa P dahil puro film festivals na ang buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre.

Oo nga naman, kaysa matengga ito, e, di ipasok na lang sa Netflix para kahit paano’y mapanood na ito at kumita naman ang mga producer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending