Bwelta ni Gerald sa chikang buntis si Julia: Congratulations to me

 

TILA pang-asar ang resbak ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa umano’y pagbubuntis ni Julia Barretto.

Kahapon, naging hot topic sa social media ang Facebook post ng dating broadcast journalist na si Jay Sonza kung saan diretsahan niyang ibinalita na buntis daw si Julia at si Gerald nga ang ama.

“Napatunayan nina Visoy (Visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barretto na kapuwa hindi sila baog.  After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant)- may nabuo sa sinapupunan ni Julia.

“Nahinayak ang batang Dadiangas. nasiyot man jud oi. kapugngan pay tren, dili ang gugmang gauros uros tawon..Happy Monday po. Makikibalita ako kung kailan ang kasal sa aking neighbor,” ang FB status ni Jay.

Nag-post kagabi sa kanyang Instagram Stories si Gerald na pinaniniwalaang sagot niya sa nasabing isyu.

Nakasulat sa black background ang mga salitang “Congratulations to me” kalakip ang fist bump, smiley at praying emojis.

Bukod dito nag-post din ang binata sa IG ng isang video na naglalaman ng ilang eksena sa serye nilang “A Soldier’s Heart”. Nilagyan niya ito ng caption tungkol sa fake news.

Sey ng hunk actor, “Sa panahon ngayon na ang bilis kumalat ng FAKE NEWS. Akala ko magiging FAKE NEWS din ang a soldier’s heart.”

Sa panayam kay Gerald ng press kamakailan, nagbigay ito ng mensahe para sa lahat ng mga nangnenega sa mga artista at sa industriya ng showbiz.

“Siguro hanapin lang ‘yung contentment at peace sa negosyo namin, sa industriya namin. Maraming nakikialam eh. Maraming may say, maraming may opinion, maraming may judgment.

“Buhay ko ito, buhay mo iyan. Kung anong nagpapasaya sa ‘yo, alam mo naman na hindi mo naman talaga sadya manakit ng tao, tapakan. Just live your life and be happy,” pahayag ng binata.

Samantala, nauna rito nag-react na rin si Julia sa chikang buntis siya sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanyang litrato kung saan kitang-kita ang flat niyang tiyan na may nagmumurang caption na, “FAKE NEWS.”

 

Read more...