Maja milyonarya na rin sa YouTube; nagpa-kikiam at fishball

 

NAGPA-STREET food party ang Kapamilya actress-dancer na si Maja Salvador!

Umabot na sa 1 million ang subscribers ni Maja sa YouTube kaya naman nagpasalamat siya nang bonggang-bongga sa lahat ng kanyang supporters.

Nag-post si Maja ng mensahe sa Instagram para ibahagi ang itinuturing niyang malaking achievement sa larangan ng vlogging.

“Salamat sa pagsama sa masayang journey na ito. Marami pa tayong pagsasamahan mga beshies,” bahagi ng caption ng aktres sa kanyang IG photo.

At bilang bahagi ng celebration, nagpa-street food party ang dalaga kasama ang kanyang pamilya at boyfriend na si Rambo Nuñez. Ibinahagi ito ni Maja sa pamamagitan ng isang video aa YouTube channel niya.

“Isang milyong pasasalamat mga beshies. One million na tayo, one million subscribers.

“Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Isang milyong pasasalamat dahil sa sinamahan niyo ako sa journey na ito.

“Noong naisipan ko na gumawa ng YouTube channel mga beshies, ginawa ko ‘yon dahil mas gusto ko na makilala niyo po ba ako ng mas personal pa, kalalimlaliman na pagkakakilala, ‘yung ganu’n.

“Yung Maja na hindi niyo napapanood sa TV, hindi sumasayaw sa stage o sa mga pelikula. ‘Yung ako mismo, ‘yung walang ibang character na ginagawa,” bahagi ng pasalamat ng aktres.

Patuloy pa niya, “Kaya maraming-maraming salamat sa pagsama niyo sa akin sa journey na ito. Dahil diyan mga beshies ay umabot na tayo ng 1 million subscribers.”

Nagsimulang mag-vlog si Maja noong June, 2019 sa kanyang YouTube channel na “Meet Maja.”

“Kaya nagkaroon tayo ng YouTube channel dahil lahat ng gusto kong puntahan, lahat ng paborito kong kainan, mga yugyugan, mga kasiyahan, kahit anong moments pa ‘yan, ‘yan ang mapapanood niyo,” ang pagpapakilala niya noon sa kanyang YT channel.

 

 

Read more...