MULING ipinakita ni Alexander Lim o mas kilala bilang si Xian Lim ang kanyang talento sa pagpipinta.
Nagkaroon uli siya ng solo art exhibit sa Secret Fresh Gallery, RONAC Art Center Ortigas Avenue sa San Juan City na may titulong “Everything Will Be Okay” na nagsimula last Sunday.
Sa pagbubukas ng exhibit ng aktor ay nakasama rin niya ang kanyang girlfriend na si Kim Chiu. Ito na siguro ang pagkakataon na muling nakalabas ng bahay si Kim matapos ang taping nila para sa “Love Thy Woman.”
Ang caption ni Kimmy sa larawan nila ni Xian nang dumalo siya sa exhibit, “Super proud of you! As always naman! So much story in one artwork. Indeed, hard work paid off!
“CONGRATULATIONS @xianlimm. ALEXANDER LIM in #everythingwillbeokay edition.
Kuwento sa amin ng mga dumalo sa art exhibit ni Xian ay 10 malalaking painting ang naka-display sa Secret Fresh Gallery na pawang oil ang ginamit at magaganda ang kumbinasyon ng mga kulay.
“9.20.20 Everything Will Be Okay,” ito ang caption ni Xian sa ipinost niyang larawan niyang nakatayo sa gitna ng gallery habang nakatingin sa kanyang mga obra.
Nasa high school palang ay nagpipinta na ang binata at nakatago lang ang lahat ng gawa niya hanggang sa nagkaroon siya ng sapat na oras at sumali sa exhibit na nagsimula noong 2016 kung saan isa siya sa 300 Pinoy artists na naimbitahan sa Osaka, Japan.
“False Hope” naman ang titulo ng solo exhibit niya na itinapat sa mismong buwan ng kaarawan niya noong Hulyo, 2017 sa Secret Fresh Gallery rin at marami ang nagkakagusto sa mga obra ng binata dahil sa kakaiba niyang istilo sa pagguhit at pagpinta.
Bilib kami kay Xian, huh! Ang dami niyang talent tulad ng pagiging musikero dahil alam niyang tumugtog ng piano, gitara at saxophone. Isa rin siyang aktor-direktor at producer.
Pagkatapos ng teleseryeng “Love Thy Woman” ay ang pagdidirek naman ng series of puppetry films ang pinagkakaabalahan ngayon ng binata na mapapanood sa Sining Sigla sa CCP (Cultural Center of the Philippines) kung saan makakasama niya ang kapwa ventriloquist.
Nag-post si Xian ng poster ng “MALA: Ibong Adarna” musical puppet play. Aniya, “Honored and proud to be part of this project.
“Masiglang-masigla ang sining sa Sining Sigla ng Cultural Center of the Philippines Office of the President.
“Patuloy na magbibigay kaalaaman, inspirasyon, at libang sa pamamagitan ng SINING.
“Kasama ang pinakarespetadong mga alagad ng SINING, inihahatid namin ang:
“Xian Lim’s MALA (Movies Adapted from Literary Arts). MALA gives new life to local literary classics. It starts with reimagined versions of Ibong Adarna and Florante at Laura, as told by renowned ventriloquist Ony Carcamo and his puppet, Kulas. Mala opens this October.
“Enjoy jazz with a special virtual music festival, Jazz Stay At Home, featuring some of the most respected jazz artists in the country including Baihana, Nicole Asensio, Pipo and Lorna Cifra, Tots Tolentino, Michael Guevarra. The festival is hosted by Stanley Seludo. This runs from Sept. 25 to Oct.5.
“A timely revisiting of Jose Corazon De Jesus’ works is presented in Pagbabalik-Tanaw sa Unang Hari ng Balagtasan, directed by Ricky Davao and starring John Arcilla, Lara Maigue, among other respected actors. Hosted by ace comedian Michael V. Pagbabalik-tanaw opens this November.
“This December, a special virtual Christmas concert will be headlined by the Philippine Philharmonic Orchestra in Pamaskong Handog ng PPO. concert, will stream live on the CCP-OP Facebook page. Celebrate the Yuletide Season with the PPO and listen to the country’s premiere orchestra as it performs beloved Christmas carols, hymns, and classical pieces that bring good cheer and uplift the spirit.”