Mariel sinupalpal ang kontra sa 'white sand beach' ng Manila Bay; Duterte government pinuri ni Robin | Bandera

Mariel sinupalpal ang kontra sa ‘white sand beach’ ng Manila Bay; Duterte government pinuri ni Robin

Ervin Santiago - September 21, 2020 - 01:24 PM

NAGKAMPIHAN ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa isyu ng paglalagay ng white sand sa Manila Bay.

Ang artifical white sand beach sa Maynila na binuksan nitong Sabado ay umani ng batikos mula sa iba’t ibang sektor ngunit may ilang Pinoy naman ang sumuporta sa proyektong ito.

Tulad na lang ng aktor na si Robin Padilla na todo ang papuri sa nasabing proyekto ng Duterte administration.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Binoe ang isang video kung saan mapapanood ang tungkol sa problema ng mundo sa plastic pollution.

Aniya sa caption, “The efficiency of the present government is admirable! Ibigay natin sa gobyerno ang tamang pagkilala sa accomplishment na ito dahil may COVID-19 man o wala, bilang isang taxpayer, pipiliin ko na ang white sand kesa sa basura.”

Aniya pa, “‘Yun dolomite maaaring pagtalunan pero ‘yun basura 1 million percent masama sa inang kalikasan, sa ating kalusugan at sa lahat ng bagay.
“Wag naman nating ipagdamot sa ating mga kababayan na walang kakayahan makaranas ng Boracay sa Manila Bay.

“Free relaxation and family bonding ay mental, emotional and physical therapy. Every Filipino deserves a swim, a sunrise, and sunset by the beach,” pahayag pa ng action star.

Sinang-ayunan naman ni Mariel ang mga sinabi ng asawa sa ipinost niyang comment sa IG post ni Binoe. Aniya, at least nakikita ng taumbayan kung saan napupunta ang ibinabayad nilang buwis.

“Nung puro basura walang nagrereklamo ngayon na pinaganda…. can you believe it?

“Ngayon sila nagreklamo? Ang hindi ko maintindihan is lagi natin hinahanap kung saan napunta ‘yung tax na binabayad natin… ayan oh.

“At least yan nakikita natin di ba? Tapos mah complain pa rin?” pagdepensa ni Mariel sa nasabing proyekto.

Marami namang umalma sa mga sinabi ni Mariel sa artificial white sand beach sa Manila Bay. Kinontra nila ang pahayag nito tungkol sa ibinibayad na buwis ng mga tao.

Anila, kung may dapat daw pagkagastusan ang gobyerno gamit ang tax ng taumbayan, yan ay sa pagbibigay ng ayuda sa mga mamamayan na wala pa ring makain dahil sa pandemya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nagsabi naman na sa panahon ng health crisis hindi makatarungan na unahin pa ang paglalagay ng white sand sa Manila Bay kesa sa kumakalam na sikmura ng mga Pinoy.

Pinayuhan naman ni Binoe ang asawa na huwag nang patulan ang mga bashers na tinawang niyang sobrang talino kaya nabulag sa katotohanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending