Angelica sa pagiging tatay ni Carlo: Good! Congratulations! | Bandera

Angelica sa pagiging tatay ni Carlo: Good! Congratulations!

Ervin Santiago - September 21, 2020 - 09:30 AM

 

 

“CONGRATULATIONS!” Yan ang mensahe ni Angelica Panganiban sa pagiging tatay ng dati niyang boyfriend na si Carlo Aquino.

Mukhang naka-move on na nang bonggang-bongga ang Kapamilya actress sa pagpapaasa umano sa kanya noon ni Carlo.

Sa nakaraang virtual presscon para sa bagong proyekto ng dalaga na “Ask Angelica”, natanong siya kung ano ang reaksyon niya sa pagiging tatay ni Carlo sa panganay na anak nila ng model na si Trina Candaza.

“I’m sure masayang-masaya siya. Masayang-masaya sila, and ‘yon naman dapat ‘yon, ‘di ba?” sagot ni Angelica.

“Importante, ‘yung happiness ng mga tao. So, good. Congratulations,” pagbati pa ni Angelica kay Carlo.

Sa isang panayam kay Carlo sinabi nito kung gaano siya kasaya nang makita ang panganay na anak, “Sobrang sarap sa pakiramdam na hindi na ‘yung sarili mo ‘yung priority, kung ‘di ‘yung mag-ina mo na, ‘yung family mo.

“Ang sarap na nagtratrabaho ka para sa kanila. Kasi ito, future ng anak ko ‘yung nakasalalay, ‘di ba? Siyempre gusto mo maging stable, maging maayos kung saan siya mag-aaral, ‘yung mga ganu’ng bagay,” ani Carlo.

Samantala, super excited na ang aktres sa bago niyang online talk show na “Ask Angelica” kung saan sasagutin niya ang mga tanong ng madlang pipol tungkol sa lovelife at iba pang life problems.

“Excited. At the same time, nangangapa ako kasi first time nga siya. Eh, iba ‘to sa lahat sa teleserye, sa pelikula,” chika ni Angelica.

Sa tanong naman tungkol sa estado ngayon ng kanyang lovelife, “Tumitibok pa rin. Okay naman siya. Masaya.”

Samantala, bukod sa “Ask Angelica”, bibida rin si Angelica sa bagong Kapamilya series na “Walang Hanggang Paalam,” na mapapanood na simula sa Set. 28 sa Kapamilya Channel.

Makakasama niya sa seryeng ito sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo at Arci Muñoz.

Kuwento ng aktres, talagang pahirapan ang taping nila sa gitna community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mahirap magtrabaho sa ganitong situation. But at the same time, ang dami mo matututunan,” chika ni Angelica.

Dugtong pa niya, “Mahirap na trabaho. Pero, kapag natatapos mo naman, ang sarap-sarap sa pakiramdam.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending