Xyriel Manabat ipinagtanggol sa mga bastos na netizens: Napakarumi ng utak n’yo!
GALIT na galit ang ilang netizens sa mga nambabastos at nagkokomento ng malaswa sa dating child star na si Xyriel Manabat.
Nag-post kasi ang 16-year old na ngayong si Xyriel sa Instagram ng litrato niya para ibahagi sa madlang pipol ang kanyang OOTD (Outfit Of The Day).
Naka-post din ito sa Facebook kaya mas marami pa ang nakakita sa OOTD ng dating Kapamilya child star na bumida noon sa seryeng “100 Days to Heaven” kasama sina Jodi Sta. Maria at Coney Reyes.
Maraming natuwa nang makita nila si Xyriel na dalagang-dalaga na ngayon. May nagsabi pang sana’y bumalik na siya sa showbiz dahil magaling naman siyang artista.
Ngunit may mga nag-comment ng malalaswa sa litrato ni Xyriel na ikinagalit ng mga followers ng dalagita. Talagang tinalakan nila nang bonggang-bongga ang mga bastos na netizens.
Ayon sa isang FB user, “Daming lantaran sa comment ahh.. Tas sinisisi niyo pa panunuot ng mga babae kaya nababastos, eh diyan palang maayos na damit nababastos paden. Kapag manyak kayo manyak na talaga kayo wag niyo isisisi sa way ng pananamit ng babae.
“Why are you making fun of her? is it because of her outfit? dahil ba yung dibdib nya? I see nothing wrong with her outfit. ang papangit kase ng mindset nyo. please be matured enough.
“It’s in her genes kaya ganyan at wala siyang magagawa dyan mga tanga kayo! Sige Kayo pambabastos Di nyo ba Alam maidudulot nyan sa kanya hahahahaha mga t*** kayo bastos MANYAK!! SANA MAY KAPATID KAYONG BABAE NA GANYAN AT GANYAN DIN KUNG BASTUSIN PARA MALAMAN NYO SAKIT INUTIL!”
Pahayag naman ng isa pang nagtanggol kay Xyriel, “Grabe mga commentors dito. Napakadumi ng mga utak nyo. Punta kayo ng Manila Bay para masama kayong maibaon sa white sand hayyy.”
“Seriously? sexualizing a 16 year old? Digusting sh**ts, learn how to respect and control ur kabastusan, coz what u act represent how ur parents raise u napaghahalataang di kayo naturuan ng GMRC and lalo na dun sa mga babaeng nagko comment, proud siguro kayo na binabastos kapwa babae niyo or kayo ung mga klase nang babae na natutuwa pag binabastos,” komento naman ng isa.
“PROTECT!!! XYRIEL!!! AT!!! ALL!!! COST!!! MAAWA!!! KAYO!!! SA!!! BATA!!! MGA!!! WALANG!!! UTAK!!!”
“Mostly comments here are below the belt. Sana gamitin niyo naman utak niyo. Ang tatanda niyo na ambabastos niyo pa rin. Well, what do we expect???”
Kung matatandaan, mas pinili ni Xyriel na iwan muna ang showbiz para makatapos ng pag-aaral at nito ngang nakaraang June ay naka-graduate na siya sa highschool.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.