34 Pinoy, dayuhan arestado sa isang bar sa Makati

Photo: NCRPO

Arestado ang 34 Pilipino at dayuhan sa isang bar sa Makati City, Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nahuli ang nasabing bilang ng indibidwal dahil sa pag-inom sa bahagi ng Algier Street sa Baranga Poblacion bandang 10:00 ng gabi.

Batay sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang Substation – 6, Makati City Police Station Personnel mula sa isang concerned citizen at naaktuhan sa Facebook Live ang drinking session sa Kartel Rooftop Bar.

Kasunod nito, agad nagsagawa ng operasyon sa nasabing bar dahil sa paglabag sa CO no. 2020 – 76 Extended Curfew hour at social distancing na may kinalaman sa implementasyon ng General Community Quarantine (GCQ).

Dinala ang mga violator sa Station Investigation and Detective Management Section, Makati City Police Station para sa documentation at pag-isyu ng Ordinance Violation Receipts.

Matapos ang pag-isyu ng receipts, pinalaya na rin ang lahat ng naarestong violators.

Read more...