Catriona kinasuhan ang editor, writer ng Bulgar dahil sa pekeng topless photo

Screengrab mula sa Instagram account ni Catriona Gray

Sinampahan ng kasong libelo ni Catriona Gray ang editor at writer ng tabloid na Bulgar dahil sa paglalathala ng pekeng topless photo ng beauty queen.

Kinumpirma sa INQUIRER.net ng abugado ni Catriona, si Atty. Joji Alonso, na kinasuhan na nga ang entertainment editor na si Janice Navida at kanyang writer na si Melba Llanera.

Sinabi ni Alonso na isinampa nila ang libel complaint sa Quezon City Prosecutor’s Office nitong Biyernes ng umaga.

Kumalat ang pekeng litrato ng Miss Universe 2018 sa social media noong Hulyo at noon pa man ay nagbabala na si Alonso na “may isang tabloid na maglalabas nito.”

“We strongly denounce this vicious attempt to tarnish the good name of Ms. Gray,” ayon kay Alonso.

Sinabi niya na  digitally manipulated ang larawan.

Humingi rin ng tulong noon si Catriona sa National Bureau of Investigation para matukoy ang taong nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng larawan.

Samantala, sinabi naman ni Navida na ang layunin lamang niya sa paglalathala ng larawan ay para matulungan si Catriona na “malinis ang kanyang pangalan.”

Read more...