Karen kay Matteo: Thank you, Matteo for your kindness, your care

 

KASAMA pala ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa mga tumulong kay Karen Davila nang magkaroon ng seizure ang anak niyang si David.

Ayon sa Kapamilya broadcaster, saktong nasa lobby ng kanilang condominium unit ang mag-asawa nang mangyari ang insidente.

Kapitbahay ni Karen sina Sarah at Matteo sa isang condominium sa Makati City.

Kaya naman sobra ang pasasalamat niya sa mga ito dahil sa ginawang pagtulong sa kanila ng asawang si DJ Sta. Ana.

“AMEN! And thanks to @matteog he was there in the lobby w Sarah during this experience,” ang sagot ni Karen sa kanyang kaibigan na nag-comment sa post niya sa Instagram tungkol sa pagbuti ng kalagayan ng anak.

“Thank you, Matteo, for your kindness, your care,” ang mensahe pa ng news anchor.

Kung matatandaan ibinalita ni Karen ang nangyari kay David sa pamamagitan din ng IG. Kababalik lang nila sa Manila ni DJ mula sa Sorsogon nu’ng araw na yun.

“Yesterday afternoon, my husband DJ & I arrived from an overnight trip to Sorsogon. Our son David welcomed us at our condo lobby… when out of the blue, he just started having a full blown seizure.

“Now, seizures can be common for kids with autism but David has never really had them. He has only had one scary episode when he was 7 years old.

“Thank God for my husband & the first responders of our condo lobby. They were fast thinkers, equipped to assist & knew what to do to make sure he would stay alive.

“And all I did was shout the name of our Lord Jesus Christ non-stop, asking HIM to heal & save David,” ang kuwento ni Karen tungkol sa pangyayari.

Samantala, muling nag-post ang broadcast journalist-TV host sa IG ng bagong litrato nila ni David na kuha sa studio ng ABS-CBN.

Isinama ni Karen ang anak nang mag-report siya para sa kanyang morning news program na “Headstart” sa ANC. Masigla na raw uli si David ngayon pagkatapos ng ilang araw na pagkaka-confine sa ospital.

“Being with him this morning feels so SPECIAL.

“I feel such DEEP JOY seeing him back in the groove, walking in the newsroom, saying hello to the cameramen like nothing happened,” bahagi ng caption ni Karen sa litrato nila ng panganay na anak.

 

 

Read more...